Kinabukasan ay nagising si Emma na mag-isa na lang sa ibabaw ng kama. Hindi muna siya gumalaw ng ilang sandali habang tulalang nakatitig sa kisame. Hinintay niyang bumalik doon si Xander pero nang lumipas na ang ilang minuto at hindi pa rin niya nakikita ang pigura ng binata ay saka pa lang siya bumangon. Agad na napangiwi ang dalaga nang maramdaman ang sakit sa katawan niya. Mapait siyang napangiti nang maalala na kagagawan iyon ng lalaking mahal niya. Pagkatapos lumabas ng banyo pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay paika-ika siyang naglakad patungo sa pintuan. Gusto pa sana niyang hintayin si Xander dahil hindi niya kabisado ang pasikot-sikot ng bahay nito pero nagwawala na ang mga alaga niyang bulate sa tiyan. Tumutunog na iyon at tila ba hindi na makapaghintay pa ng ano mang se