Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 8 Sobrang nahabag ako sa kalagayan ni Arvin alam ko na bukod sa sakit ng kanyang katawan ay sakit din sa kanyang puso ang kanyang iniinda at nararamdaman. Kaya naman hindi ko nagawang ibaba ang cellphone ko at nag usap kami hanggang hating gabi. Inabot kami ng ala 1 ng madaling araw sa aming kwentuhan at biruan na parang mag kasintahang nag tatawagan buong mag damag. Hindi kami nawawalan ng topic at libang na libang kaming kausapin ang bawat isa. Sa buong buhay ko ay si Arvin lang yata ang naka usap ko sa cellphone ng alas10 gabi hanggang alas 2 ng madaling araw, nonstop! Kahit mga nag daang gf ko ay wala ganoon katagal. Halos ilang araw din baka maka recover si Arvin, binalita nya sa akin na naka labas na siya ng ospital at labis ko iyon na kinatu