Ayaw man ni Maria na matapos ang mga sandali na magkasama sila ni Brix ay kailangan na nilang bumalik sa reyalidad ng buhay. Nang maihatid sila ng helicopter sa rooftop ng The Vander Suite ay naghiwalay na ang dalawa. Hindi gusto ni Brix ang ideya na umuwi siyang mag isa sa kanilang bahay at mag-taxi na lamang ngunit, mapilit ang dalaga. Walang dapat makaalam na magkasama sila. Pagdating niya, sa labas palang ng mansiyon ay sinalubong na siya ng isa sa kanilang mga kasambahay, pinaakyat na niya rito ang mga bag na dala niya. Dire-diretso na sana siya sa kaniyang silid ng matigilan siya. "Where did you go? Why did you leave without even telling us or even informing the people in this house? Don't you know that I'm worried about you? I almost called mom and dad and told them you were