Tulad ng pangako ni Brix sa kaniyang kapatid na si Iñigo ay sinadya niya ang opisina ni Gener Montoya para bawiin dito ang kontrata ng AL Cassias na hindi pa nito ibinabalik sa kanila. Matapos n'yang kausapin ang receptionist ng Montoya Group of Companies ay kinailangan pa niyang dumaan sa secretary ni Gener upang makausap ito ng personal. Nang masabi niya rito kung ano ang kaniyang pakay sa may ari ng kompanya ay tinawagan muna nito ang kaniyang amo para ipaalam na naroon siya. "Mr. Vander, pwede ka nang pumasok, sumunod po kayo sa akin," sabi ng sekretarya. Nauna na itong lumakad patungo sa nakasaradong pinto. Napansin niya ang nakakabit na signage sa harapan niyon, PRESIDENT/CEO, ito ang nakasulat sa karatula ng kaniyang basahin. Pinihit ng sekretarya ang seradura ng pinto at bumu