42. KAMPANTE pa si Lush Miguel na nakatunganga. Naka-de kwatro pa siya. Ruth was sleeping after four rounds. Nasa taas iyon at iniwan niya saglit. Bumaba siya at umiinom ng kape ngayon. Nangingiti siya dahil naaalala niya ang inis nito kanina nang ipakilala niya si Patricia sa lobby bilang supervisor. Nagseselos ito sa babae at natutuwa siya. May gusto na si Ruth sa kanya kaya lang ay ayaw umamin. Kakaibang saya ang naramdaman niya nang marinig niya na nagmamaktol ang dalaga sa banyo kanina. Ayaw niya noon ng may hahabol-habol sa kanya. Ayaw niya na may babakod-bakod pero ngayon ay proud na proud siya. To the point na hindi naman siya nito binabakuran at nagtatago nga. Buti na lang at narinig niya. Kinuha niya ang tasa ng kape at humihop, pero tumingin siya sa hagdan nang makita si Ru