35. “PUNTA ka parking, CEO.” Iyon ang text na nagpakurap kay Ruth habang siya ay nag-aasikaso papauwi. She's so tired. Bakit naman nagsundo pa si Lush? Baka may makakita sa kanya. Napatingin siya kay Berna na halos tapos ng mag-asikaso. Naroon pa rin ang iba niyang mga kasama. “I'll wait for you, sweetie.” Diyos ko po. Anong ire-reply niya? Si Ricky ang hinihintay niyang mag-update sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya magawang tumanggi kahit na sa loob niya ay ayaw sana niya. “B-Berna,” tawag niya sa kaibigan na kaagad naman na tumingin, matapos isukbit ang body bag. “S-Si Sir L-Miguel…hinihintay daw ako sa parking,” aniya sa mahinang boses kaya nanlaki ang mga mata nito. “What?” Luminga nitong tanong, “Baka iba na ‘yan, friend