19. NAKATANGA si Ruth sa isang condominium na nakikita niya. Ibinaba siya ng driver sa mismong harapan, at ipinagbukas naman siya ng pinto ng isang lalaking naka uniform. “S-Sa unit po ni ano…” kinakabahan na sabi niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. “Sa receptionists po, ma'am,” anang lalaki. Sabi nga niya sa receptionist. Pahiya pa tuloy siya. Malay ba niyang may ganun sa condo ni Lush Miguel. Pumasok siya at lumapit sa sinasabing receptionist. “Good evening, ma'am,” nakangiting bati ng babae sa kanya. “Sa unit po ni ano, Lush Miguel Montesalvo,” aniyang di nagpahalata na ninenerbyos siya pero kahit siguro ang singit niya ay pinagpapawisan na ng malalamig. “Ano pong pangalan nila?” “Ruth po.” “Ruth?” Kunot-noo ang babae. “Mirabelle, Ruth Mirabelle Eduardo.” inilabas