24. “HAPPY lunch time, sir Miguel. Baka po mga past 8 na ako makarating sa condo dahil maghahatid po ako ng pagkain sa apartment. Nagmamahal, RM.” Lush smiled against the rim of his glass. Nagmamahal pala ha. Alam niyang joke iyon. Sino naman tanga ang magmamahal ng ganun kaaga? That was so funny. Marami na sa kanyang nag-deklara ng pagmamahal pero sa isang ito ay natatawa siya. “Reading a message makes you smile now, bro,” puna ni Curt sa kanya kaya napasulyap naman si Lush dito. Hindi siya nakaimik dahil hindi talaga siya ngumingiti habang nagbabasa siya ng mga texts, ngayon lang. He just found it funny. That's all. She's kind of humorous and he was so right about it. He simply typed his reply, “Okay.” Iyon lang ang sagot niya at pinapormal lang niya. Tapos, pasimple siyang bumali