58. DENNIS certainly knows what is happening between his former boss and Ruth. Paano? Dahil lang naman kay Anne Estravez. Napakinggan niya ang announcement ng babae nang araw na kumuha siya ng COE sa Montevez, na si Ruth ay kasal na pero nilandi pa ang boss nila. May araw din sa kanya ang babaeng ito. Nagkamalas-malas ang buhay niya dahil dito. Mula nang ilipat siya sa pagiging janitor, at mas pinili niya na mag-resign, naging napakailap na ng trabaho sa kanya. Isang buwan na siyang naghahanap pero hindi pa siya nakakakuha hanggang ngayon. Ang paghanga niya kay Ruth ay nauwi sa inis, lalo pa at hindi siya ang pinili ng babae na gustuhin. Napag-alaman Niya na si Baron dela Vega ang asawa nito, at ang kabit naman ay ang bilyonaryong si Lush Miguel. Kumakapit ito sa mapepera. Siya, dahil h