27. “SALAMAT,” iyon ang sabi ni Ruth sa kanya nang pinatigil siya nito sa isang bahay. Sa may kanto lang iyon, may mataas na gate na berde. He looked at it and scanned the place. “Dito ka ba nakatira ngayon?” Usisa niya sa dalaga na tumango naman. “Okay,” akma niyang tatanggalin ang kanyang seatbelt pero pinigil siya ni Ruth. “‘Wag na. Kaya ko ng bumaba. Di mo naman ako gf para ipagbukas pa ng pinto,” she told him. “You don't have to be my girlfriend for me to do that thing. If you deserve it, I will.” Tuluyan siyang bumaba at lumipat sa kabilang pinto. Pumameywang siya at nakatingin sa bahay. This one's safer than the other apartment where she lived. “This seems a nicer place, sweetie,” komento niya saka niya ito sinulyapan. Nakalinga ito sa paligid at parang may hinahanap kaya n