29. ANO pa ang kulang? Damn. Parang maiihi si Lush Miguel habang nakatingin sa maliit na mesa. Kahit na si Muse ay parang nalilito sa kanya dahil nakatunganga lang, hindi mahiwalay ang mga mata sa kanya. Why is it so damn hard to prepare the table and his dish? Ang niluto lang naman niya ay sweet and sour na meatballs, homemade meatballs. Iyon ang natutunan niya na specialty sa Oas noon, sa kanyang Owa. Dinadayo iyon sa eatery kaya naging successful. “What do you think, Muse? Pwede na ba akong maging boyfriend?” Aniya sa pusa na ang sama ng tingin sa kanya. Hindi niya alam bakit niya ito ginagawa para kay Ruth. Ano ba ang espesyal doon? Wala naman. Wala naman pero naiibahan siya sa pagkatao ni Ruth. Her simplicity captures his precious attention. Perhaps, he was really just waiting fo