Ang hirap palang kumuha ng requirements. Tanghali na pero cedula at barangay clearance pa lang ang nakukuha ko. Late na kasing pumasok ang staff sa barangay hall. Pupunta pa ako sa may police station ngayon. Sana lang hindi ako matagalan dito. Mukhang aabutin ako ng ilang araw sa pagkuha ng requirements. Ano'ng oras na. Pagdating ko sa police station, naging tuloy-tuloy naman ang proseso pero dahil sa biyahe mag-lunch time na ako nakarating sa city hall. Nagulat pa ako nang may humawak bigla ng aking kamay. "Kuya Andrew!" gulat at inis kong bulalas. Nginisihan naman niya ako. "Ano'ng ginagawa mo dito?" "Sasamahan kita," sagot niya bago hinawakan ang palapulsuhan ko. Sinamahan niya ako hanggang sa may NBI. Nginitian niya ang mga staff doon at tuloy-tuloy kaming naglakad hangga