Kahit nasa panganib na, nagawa pa akong halikan ni Andrew. "Don't be scared. I got you, baby..." Siniil na naman niya ako ng halik. "Ano ba, Andrew?!" Mamaya dito pa kami lalong mapahamak dahil sa ginagawa niya, e. Pumasok na din ang iba pa niyang kasamahan at hindi na din alam kung ano ang nangyari sa kalaban. Dinala ako ni Andrew sa loob ng banyo, habang ang ibang kasamahan ay nasa labas. Nakaupo ako sa may lababo habang nakasandal naman ito sa gilid ko. Cool na cool kahit na may masama nang nangyayari sa amin. Pero maya-maya pa ay nagbago ang ekspresyon niya. Naging seryoso. Salubong ang kilay at tila may malalim na iniisip. "Huwag ka na munang pumasok sa school," sabi niya maya-maya. "Ganoon din si Allesia... Si Papa bawal din munang lumabas." He sighed. "I'm sorry. Hind