Dumating ang period ko na pinagpasalamat ko, dahil kakaiba ang pakiramdam ko kanina pa. Kung hindi ako dinatnan, baka kung saan na kami napunta ni Andrew. Masakit ang puson ko kaya nakahiga lang ako. Binilhan ako kanina ng napkin ni Andrew at heto siya ngayon minamasahe ang aking balakang. Nakaka-inlove talaga siya. Sana kami na talaga ang para sa isa't isa. Natatakot ako na baka one day ma-realize niya na hindi na pala niya ako mahal. Natatakot ako na baka maagaw siya ng iba. Kung puwede lang na itali ko na siya sa akin, pero hindi naman iyon puwede. May kaniya-kaniya kaming buhay. Sobrang lambing niya sa akin, kaya sa bawat dumadaan na araw mas lalo pa akong napapamahal sa kaniya. Kapag nalaman kaya ng magulang ko ang tungkol sa relasyon namin, ano kaya ang mararamdaman nila? Kil