"Goodmorning," nakangiting bati ng magnanakaw sa akin pagkaupo ko sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Gaya ng sinabi niya kahapon siya ang maghahatid sa amin ni Rofel. Ang aga niyang nagpunta sa bahay. Palihim ko siyang inirapan. Kung wala lang si Rofel ay baka nahampas ko na siya dahil sa ginawa niya kahapon. "Mukhang napuyat ka, a?" sabi niya ulit pero hindi ko siya pinansin. Papansin ang lalakeng 'to. "Tiyak na napuyat ka dahil sa-" "Tumigil ka na nga. Isa!" mariin kong bulong sa kaniya pero agad sumabad ang kaibigan ko. "Ano iyan?" nagtatakang tanong ni Rofel. "Wala!" naiinis kong sagot. Ngiting-ngiti naman si Andrew sa tabi ko kaya sa bintana na lang ako tumingin. Ang aga niyang manira ng araw. Buti na lang at may silbi pa siya kahit paano. "Ang sungit," bulong niya