PAYAPANG BUHAY

1814 Words

Mataas na ang sikat ng araw nang gumising ako. Mahapdi pa ang mga mata ko at nais ko pa sanang bumalik sa pagtulog, ngunit naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Pikit ang isang mata ko na sumilip sa table clock. Alas-dies na pala ng tanghali. Ilang minuto na lang ay alas-onse na. Tumunganga muna ako ng ilang minuto habang nakatanaw sa bukas na ceiling fan. Bukas na din ang pintuan na kumukonekta sa may balcony. Ang presko at malakas na hampas ng hangin ay kay sarap damhin. Ang alon na nagmumula sa karagatan ay tila musika sa aking tenga. Ang huni ng mga ibon ay nagsasabi na nasa isang paraiso ako. Sobrang payapa. Nakangiti akong bumangon. Naghilamos na muna ako bago ko hinanap sa labas ang mag-ama ko. Nadatnan ko sila sa labas ng bahay. Nagtutulungan sila na buohin ang sarang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD