Five minutes drive lang ang jolibee dito sa ospital kaya doon na kami nagpunta. "Tito Andrew, I love Jolibee!" Natawa si Andrew sa ka-OA-han ng anak. Mukhang makukuha pa niya lalo ang loob ng bata lalo at sinabi na nito ang pabiroto. Pero hindi pa din siya puwede sa bahay. Hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo, wala siyang karapatang tumuntong sa bahay namin. Binigay namin kina Papa at Mama ang kanilang lunch. Para hindi kami masita, sa sasakyan na lang din kami kumain kasama ang yaya. Naghugas ng kamay si Andrew bago nito pinaghimay ng chicken si Allesia. Namangha naman si Allesia sa ginawa ng lalake. Ngumiti siya rito. Lumamlam naman ang mga mata ni Andrew. "Why?" nangingiting tanong niya sa bata. "I love you, Tito Andrew!" Hindi ako makapaniwala sa inusal ng anak ko.