Chapter 13

3674 Words
Chapter 13 STILL FLASHBACK Sinagot ni Camille ang tawag ng kakambal at kasabay ang pag hagolhol ng pag-iyak nito sa kabilang linya sa labis na pag- dalamhati sa pag kamatay ng kanilang Papa. Tahimik lamang si Camille nakikinig, at walang planong sagutin ang bawat tanong sakaniya ng kaniyang kakambal. Wala din siyang naramdaman na konsensiya. Wala din siyang naramdaman na awa sa mga tao sa paligid, na nag mamahal sa kaniyang Papa. Kakahatid lamang nila sa huling hantungan ng kaniyang Papa at dumalo rin ang mga kaanak at malalapit na kaibigan sa naging burol nito. Sabay-sabay silang nag luksa sa biglaang pag-kamatay ni Papa, pero si Camille lamang ang masaya sa pag-kawala ng kaniyang Papa dahil hindi na muli siya nitong gagambalain. Hanggang sa maisugod sa Hospital ang kaniyang Papa at naitalang dead on arrival na ito. At nag karoon ng tatlong araw na lamay sa kanilang bahay, na dumalo ang mga kaanak at iba pang kaibigan ni Papa sa burol nito. Naging tahimik walang kibo lamang ang Mama ni Camille. Hindi umaalis ang kaniyang Mama sa tabi ng kabaong ng kaniyang Papa, at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan nito habang umiiyak. "A-Anong nangyari Ate Camille? Anong nangyari kay Papa? Bakit hindi ko man lang nalaman na w-wala na siya?" Basag na tinig ni Camilla sa kabilang linya. "Bakit hindi niyo man lang sinabi na patay na siya, p-para naka-uwi ako diyan." Patuloy na pag-iyak nito. Sa kanilang dalawa, si Camilla ang malapit sa kanilang mga magulang, lalong-lalo na ang Papa nila. "Pasensiya na talaga k-kambal kong hindi namin sinabi ang bagay na ito sa'yo.. Ayaw din ipa-alam ni Mama ang nangyaring pag kamatay ni Papa, lalo't may mahalaga kang interview sa inapplyan mong trabaho diba? Ayaw ni Mama na ma-distratct at hindi ka makapag- exam kapag nalaman mo ang nangyari kay Papa." Tugon ni Camille at kasabay ang pag hagolhol nito sa kabilang linya.. "Hindi ko alam kambal kong anong nangyari kay Papa, nadatnan ko na lang siya na nahulog sa hagdan dulo't ng kalasingan.. Napaka sakit din sa akin Camilla ang kaniyang pag-kawala." Humagolhol ng pag-iyak na si Camille, na paniwalang-paniwala ang kaniyang kakambal sa mga kasinunggalingan niya. Nag-iyakan na lamang sila ni Camilla sa kabilang linya, at nag palitan ng masasayang kwento at alaala nang nabubuhay pa ang kanilang Papa. "Sige na kambal, mag papahingga na ako. Mag-iingat ka parati diyan. Bye, I miss you." Hindi na hinintay pang mag salita pa ni Camilla at pinatay na ni Camille ang tawag. Sinilid ni Camille ang telepono sa mukha at kasabay ang pag- punas ng bakas ng mga luha sa pisngi nito. Yong maamong mukha ni Camille, napalitan kaagad ng talim at galit. "Nakaka-inis! Bakit ba kailangan ko pang mag- drama sa pag-kawala mo lang Papa?!" Matigas na tinig ni Camille na pinag mamasdan ang litrato ng kaniyang Papa na naka patong sa desk. "Ngayon wala kana, dapat kanang matahimik at ibaon kana namin sa limot!" Inis na kinuha ni Camille ang litrato ng Papa sa picture frame at inis na tinapon iyon sa basurahan. "Perfect! Nabagagay ka sa basurahan Papa!" Napa-iling na tinig muli ni Camille at tangkang lalabas ng Opisina ng kaniyang Papa. Napatigil si Camille ng mag-tama ang mga mata nila ng kaniyang Mama na halatang kanina pa siya nito pinag-mamasdan. Nag shift muli ang mood ng mukha ni Camille ng isang mabuti at mabait na anak. "Nandiyan ka pala Mama." Salubong nito ng matamis na ngiti sa labi ni Camille. Napadako ang tingin ni Camille sa mga mata ng kaniyang Mama na naka- tingin sa basurahan. Siguro napansin nito na tinapon niya ang litrato ng kaniyang Papa. "Pasensiya na Mama kong tinapon ko na ang litrato ni Papa, nabasa na kasi yung picture at hindi na nasa ayos ang kaniyang litrato kaya't tinapon ko na lang." Parang wala lamang sa tinig ni Camille. Hinakbang ni Camille ang mga para talikuran ang Mama, na wala pa ding imik. Hindi pa naman naka- ilang hakbang si Camille ng mag pabaon pang salita ang Mama niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Malamig at may laman na tinig nito. "Ha? Anong ibig mong sabihin Mama? Hindi kita ata maintindihan." Patay-malisyang tinig ni Camille. "Alam kong, alam mo sa sarili mo kong ano ang tinutukoy ko Camille!" Namumula ang mata ng kaniyang Mama na halatang kakagaling lamang nito sa iyak. "Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo pinatay ang Papa m-mo?" Emosyonal na tinig nito at nag pakawala lamang ng nakaka-lokong ngiti sa labi ni Camille. Humarap si Camille sa Mama at sa pag kakataon na ito naging iba ang kaniyang itsura na hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Bakit Camille? B-Bakit? Ano ba ang kasalanan ng Papa mo para ganunin mo siya ha? Bakit mo siya pinatay? N-Nakita at nasaksihan ko ang pang-yayari kong paano mo siya pinatay.. Bakit anak? Bakit?" Basag na tinig nito pero nandon pa din ang galit sa tinig ng kaniyang Mama. Unti-unting namuo ang galit sa dibdib ni Camille na wala siyang naramdaman na kahit na emosyon sa dibdib. "Dahil gusto ko! Hindi ko siya gusto, dahil parati na lang si Camilla! Si Camilla na lang ang parati niyong nakikita!" Matigas na tinig ni Camille, na kinatahimik ng kaniyang Mama. "Eh pano naman ako Mama? Paano naman ako? Wala na ba akong halaga sainyo ha? Na puro na lang kayo Camilla! Camilla!... Ayaw ko din ki Dad dahil mas mahal niya si Camilla kaysa sa akin!" Tiim-bagang tinig ni Camille. Naiinis siya dahil wala na nga ang kakambal niya dahil parati pa din nitong inaagaw ang taong mga mahal niya. Inaagaw ni Camilla lahat na importante para sakaniya. "Don't do this Camille. Hindi ka ganito.." basag na tinig ng kaniyang Mama. "P-Please. Hindi rason ang pag-patay mo sa iyong Papa para maka- gawa ka ng malaking pag kakamali,. Gusto kong umamin ka sa mga pulis na ikaw ang pumatay sa Papa mo C-Camille... Huwag kang mag-alala dahil sasamahan kita. Nandito lang ako parati sa likod mo. Ako na rin ang mag-sasabi ng pulis para hindi ka bigyan ng mabigat na parusa Camille. Please huwag mong sirain ang buhay mo anak. Mahal na mahal kita kaya't ginagawa ko ang bagay na ito para sa'yo.. Please umamin kana anak." Pangingi-usap na tinig nito. "No!" Umalingawngaw ang malakas at matinis na sigaw ni Camille. "Hindi ko gagawin ang gusto mo.. Itikom mo ang bibig mo Mama, kong ayaw niyong kayo ang isunod ko!" Pag babantang tinig ni Camille at tinalikuran niya na ang Mama. "Camille! Camille, bumalik ka dito." Sigaw nito. "C-Camill--" nahihirapan na tinig ng kaniyang Mama na animo'y nahihirapan humingga. "C-Camille.. Ang gamot ko a-Anak." Turo nito sa gamot na naka- lagay sa drawer at naka hawak ang Mama niya sa dibdib na nahihirapan na itong humingga. Namutla at naging maitim ang mukha ng kaniyang Mama na hinahabol nito ang pag-hinggga. Nag hihinang napa-hawak sa desk ang niya sa may pintuan at hindi na nakontrol ang kaniyang sarili. "T-Tulong Camill--" nahihirapan na tinig ng kaniyang Mama at kasabay ang pag bagsak ng malamig na katawan nito sa sahig. Pumukawala ang malalim na unggol at pag mama-kaawa sa tinig ng Mama niya, kasabay na paulit-ulit na pag tawag ni Camille. Hinayaan lamang ni Camille na pinag-mamasdan ang kaniyang Mama na inatake sa kaniyang harapan, na walang balak tulungan ito. Masayang-masaya pa si Camille na pinag-mamasdan na nahihirapan ang Mama niya na kinakapos ng hiningga. "C-Camille. C-Camille." Pilit na tinataas ang kamay ng Mama ni Camille, para huminggi ng tulong sa anak. Hanggang sa mawalan ng malay ang kaniyang Mama. Pinag- mamasdan lamang ni Camille ang kaniyang Mama na naka-himlay sa kama at wala pa ding malay. Matapos na mawalan ito ng malay, tumawag si Camille ng doctor para patignan ang kalagayan ng kaniyang Mama. "Good morning Mam." Bati ng nurse na bagong kinuha ni Camille. Sinilip ni Camille ang Mama na naka- himlay sa kama. "Your Jenny right?" Pag-sisigurado nito dito. "Yes po Mam. Huwag kayong mag-alala dahil aalagaan ko po ng mabuti ang iyong Mama." Malawak itong ngumiti. "May ipapagawa ako sa'yo. Gusto kong ipa-inom mo ang gamot na ito kay Mama." Inabot ni Camille ang pirasong gamot na kaniyang binili para sa kaniyang Mama. "Ano po ito Mam?" Sinuri ni Jenny ang gamot na binigay ng kaniyang Amo, at lumawak ang mga mata ni Jenny ng mapag-tanto kong anong klaseng gamot na iyon. "Jusko Mam, hindi ko magagawa ang bagay na ito.. Mawawalan po ako ng lisensiya at trabaho, kapag tinuloy ko po ang gusto niyo.. Delikado po ang ipapagawa mo sa akin." Tarantang tinig ni Jenny, na takot tuluyin ang pina-pagawa sa kaniya ni Camille. Ito lamang ang tangging naisip ni Camille. Kailangan ng ligpitin ni Camille ang kaniyang Mama, dahil alam na nito ang lihim niyang sekreto. Kapag hinayaan niya lamang ito, at baka isumbong siya nito sa mga pulis. Kilala ni Camille ang kaniyang Mama, at kaya nitong gawin, na ipa-kulong siya, alang-ala sa ginawa niya sa kaniyang Papa. Kong si Camille lamang ang masunod, gusto na niyang patayin ang Mama niya, para wala ng hadlang sa mga plano niya. Hindi niya naman kayang patayin kaagad-kaagad ni Camille ang kaniyang Mama at baka mapag- halataan kaagad siya ng mga pulis sa biglaang pag kamatay ng kaniyang Papa lamang. Kaya't naisip na lang ni Camille na paunti-unting papatayin ang Mama niya gamit ang gamot, para walang ibang mag suspetsa sa bawat kilos at mga maitim niyang plano! "Akala ko ba kailangan mo ng trabaho kaya't pumasok ka sa ganitong trabaho?" Matinis na tinig no Camille dito. "Opo Mam kailangan ko ng trabaho, pero hindi ko kaya talaga ang pinapagawa mo... Baka makulong ako, kapag nahuli ako." Takot na tinig ni Jenny, na mapa-ngisi na lang si Camille. Mahinang nilalang. "Hindi ka makukulong, unless hindi ka mag sasabi at mag palpak sa trabaho mo!" Asik nitong muli. "Mag kano ba ang kailangan mo? Kaya kong taasan ang sahod mo basta gawin no lang ang pinag-uutos ko sa'yo!" "P-Pero Mam, pasensiya na talaga." Anito at tangkang isasauli ang gamot kay Camille, pero hindi rin tinanggap ni Camille iyon. "Nabalitan kong nakulong ang asawa mo dahil sa pinag bawal na droga." natigilan si Jenny ng marinig ang sinabi ni Camille. Bakas pa rin ang gulat at pag- tataka kong paano nalaman ni Camille ang bagay n iyon. "At ang anak mo naman kasalukuyan nasa Hospital dahil sa sakit niya... Alam kong kailangan mo ng mataas na halaga ng pera, hindi ba Jenny?" Sumilay ang maitim na plano sa tinig ni Camille. "Pero M-Mam." "Let's have a deal din. Gagawa ako ng paraan para maka- labas ang asawa mo sa kulungan at ang anak mo naman, ako na ang bahala sa kaniyang pagpapagamot, na wala kanang pro-problemahin pa... Tataasan ko pa ang sahod mo, basta maipangako mo lang sa akin na maipapa-inom mo si Mama nito ng gamot. Balitaan mo ako from time to time kapag may improvement kay Mama, kapag may nakita kang pag babago at improvement kay Mama, siguraduhin mo lamang, na lalong lalala ang sakit niya. It's a deal then?" Inextend ni Camille ang kamay para makipag-kamay kay Jenny. "Yes Mam." Lumawak ang ngiti sa labi ni Camille dahil sa sinabi nito. "That's good. Pag butihan mo ang trabaho mo." **** "Sandali lang." Tinig ni Camille na pababa ng hagyan dahil kanina niya pa naririnig ang paulit-ulit na pag doorbell mula sa pintuan nila. Binuksan ni Camille ang pintuan at sumalubong sakaniya ang isang bisita na hindi niya akalain na makikita niya muli. "Camilla?" Bakas na tinig ang pumukawala sa tinig ni Camille ng makita ang kakambal sa pintuan at bitbit ang mga maleta. "Ate Camille." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla. Niyakap ni Camilla ang kapatid dahil ilang taon niya itong hindi nakita at maka-sama. Nasa silid na si Camille at Camilla, para tulungan na mag-ayos ng mga gamit ang kakambal. "Kaylan ka umuwi? I mean, ginulat mo naman ako." Hindi na mapa-kali si Camille dahil dumating na ang kakambal. Hindi niya akalain na bibiglain siya nito sa pag- babalik nito sa Pilipinas. "Gusto ko talagang surpresahin kayo, sa pag dating ko kambal." Saad ni Camilla at binuksan ang maleta na dala nito. "Si Mama pala? Asan siya?" "Mamaya mo na siya puntahan Camilla, dahil natutulog si Mama ngayon." "Ganun ba? Mamaya ko na lang siya dadalawin." Hindi na mag padaungaga si Camille sa kinatatayan, na hindi na mawari ang dapat niyang gagawin. "Hindi mo naman sinabi na parating ka pala, para nakapag- handa ako ng masarap na pagkain para sa pag dating mo." Sa pag- kakataon na ito ngina-ngat-ngat na ni Camille ang kuko sa labis na nerbyos na baka malaman ng kakambal ang ginagawa niyang pag papahirap sa kanilang Mama. "Hindi na kailangan pa Ate, dahil ayaw ko din kayo na abalahin pa." Anito. "Mag babakasyon ka ba dito? Pano na ang trabaho mo sa Canada?" Diretsang tinig ni Camille. "I resign Ate." Namilog ang mga mata ni Camille sa naging sagot ng kakambal. "Ha?" "Babalik na ako dito sa Pilipinas for good. Para naman matutukan ko ng atensyon si Mama. Nalungkot ako sa biglaang pag kamatay ni Papa at kaya naisip kong umuwi na lang para maalagaan si Mama.. Sa pag kakataon na ito Ate, hindi na ako muling lalayo pa.. Babawi ako kay Mama sa ilang taon kong nawala." Malungkot na tinig ni Camilla. "Ha? Bakit? Anong mayron?" Anito. "Hindi naman kailangan pa Camilla dahil nandito naman ako. Kayang-kaya ko naman na alagaan si Mama." "Parang hindi kana man masaya Ate, sa mulong pag-babalik ko." Pag bibiro pa ni Camilla dito, pero hindi magandang biro iyon para sa kakambal na si Camille. "Siya nga pala, may dala akong mga pasalubong sainyo ni Mama Ate, na tiyak na magugustuhan niyo." Excited na turan ni Camilla at isa-isa nitong nilabas mula sa maleta ang hinanda nitong mga pasalubong. "I mean, anong mayron?" Takang tinig ni Camille at hinarap ang kapatid. Alam niya kasi na hindi ganun ang kakambal na si Camilla na basta-basta na lang uuwi ito ng walang dahilan. "Kambal, I'm getting married." Masayang anunsiyo ni Camilla na kinabigla ng kakambal. "Ha? Kanino?" Kasalubong na kilay ni Camille na hindi mahulaan ang ibig nitong sabihin. "Remember no'ng kinu-kwento ko sa'yo na crush ko noon na matagal ko nang sinasabi sa'yo Ate Camille?" Anito at nakikinig lamang si Camille sa susunod pang sasabihin nito. "Nag-kausap muli kami sa social media accounts. Well, ilang buwan niya ako niligawan at sinagot ko naman siya kaagad.. Para saan pa para patagalin ko ang pag liligaw niya sa akin, kong magiging kami lang naman diba Ate Camille? After ilang years namin na Dating. Finally nag propose na siya sa akin kambal. Isn't that great? Mag papakasal na kaming dalawa ni Marco Ate." Nag papadyak na sa saya ang kakambal sa labis na saya, na kinalungkot at kinabigla naman ni Camille. "Marami pa kaming aasikasuhin ni Marco like venue, token at kong ano-ano pa sa aming kasal. Hindi pa naman ngayon, pero nag hahanda na kami sa preparation..Pasensiya na kambal kong hindi ko kaagad sinabi ang bagay na ito sa'yo. Gusto ko kasi na i-surprise kita at si Mama.." tuloy na tinig nito na hindi na maka-kilos si Camille sa labis na gulat nito. "Mamaya mag kikita kaming dalawa ni Marco after 7 years." Kinikilig na turan ni Camilla. "That's great. Masaya ako para sa'yo kambal." Pilit na lang ngumiti at maging masaya si Camille para sa kakambal, pero ang totoo hindi naman siya masaya. "Maraming salamat Camille. Gagawin kitang bride of honor.." hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla. "Kailangan ko nang mag- handa at mag paganda para sa date naming dalawa mamaya ni Marco, Ate." Excited na turan ni Camilla at tumunggo ito papunta sa maleta nito sa lapag, para kumuha ng kaniyang mga gamit na susuotin para mamaya. Nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Camille, na napalitan ng pait at kakaibang sakit na ngiti sa labi nito. Tiim-bagang niyang pinag mamasdan ang kakambal na masayang sumasayaw sa harapan. Ginagawa na nga ng paran si Camille para wala na siyang kaagaw mula kay Marco. Pero ngayon mag papakasal na silang dalawa? Mga hayop sila! Traydor ka Camilla! "Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo!" Pabulong na tinig ni Camille at mabilis na sumugod sa kakambal. Hinablot ni Camille ang mahabang buhok ng kakambal at pagkatapos hinampas nito ng malakas ang ulo nito sa drawer na sanhi mapa-salampak ang kakambal sa sahig. "A-Aray." Daing na tinig ni Camilla na bahagyang nahilo ito sa lakas ng impact ng pag hampas sa ulo nito. "Ahh. Ate?" Tarantang tinig ni Camilla na ngayon naka-upo na ito sa sahig at bakas na duguan ang noo nito. "Bakit A-Ate? Anong problema?" Umaatras lamang si Camilla sa palapit na palapit na kakambal na umaapoy ang mga mata sa galit. Hindi mawari ni Camilla ang takot at kilabot ng makita ang nakakatakot na itsura ng kakambal na animo'y isa na itong mabangis na hayop, na handang kumitil ng buhay. "Ate C-Camille." Pawisang tinig ni Camilla. "Anong problema Ate?B-Bakit?" Sumugod si Camille sa kakambal at hinawakan nito ang leeg ng kakambal at sinasakal ito. "Mamatay kana. Mamatay kana!" Nakakatakot na tinig ni Camille na ang mga mata nito'y umaapoy sa galit. "A-Ate. Ate p-please." Nahihirapan na tinig ni Camilla na patuloy na nanlalaban at pumipiglas na kumuwala sa kamay ng kaniyang kakambal. "A-Ate. Please. H-Huwag." Kinalmot at ginamit ni Camilla ang kaniyang huling lakas para labanan ang kakambal, pero hindi niya kayang makawala dahil parang domoble ang lakas ng kakambal. "Mamatay kana! Mamatay kana! Salot ka!" Paulit-ulit na tinig ni Camille na nawawala na sa katinuan. Mas hinigpitan pa lalo ni Camille ang pag kakasal sa kakambal na lalo ito kinapos sa pag-hingga. Namula na ang mukha ni Camilla na animo'y hirap na hirap na itong maka-kuha ng hangin dahil sa higpit ng pag kakasal ng kaniyang kakambal. Porsegido si Camille na patayin ang kakambal para wala ng hadlang sa gusto niya. "A-Ate. Huwag. Ate C-Camille." Naging malilikot ang kamay ni Camilla at ang paa nito kumakalampag na, para lamang sa pag pupumiglas. Pinipilit ni Camilla na manlaban sa kakambal pero wala siyang sapat na lakas. "Mamatay kana!" Dumilat at tuluyan nang mangitim ang mukha ni Camilla at sa pag kakataon na ito, naubusan na siya ng hiningga. "A-Ate, h-huwag. h-huwa---" huling tinig ni Camilla at kusa nang bumagsak ang malamig na bangkay ni Camilla sa sahig, na kinatigil ni Camille. Inalis ni Camille ang kamay na naka- hawak sa walang buhay na kakambal, at sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi nito. "Nararapat lang ito sa'yo Camilla!" Tinig ni Camille at tumayo na parang wala lamang nangyari. Kinuha ni Camille ang matigas na bagay at hindi pa nakontento si Camille at pinag- hahampas ng figurine na anghel ang mukha at ulo ng kaniyang kakambal na paulit-ulit. "Mamatay kana! Hahah! Mang-aagaw ka! Walang-hiya ka!" Patuloy na sigaw nito habang patuloy na hinahampas ang ulo nito na madurog at mag kalasog-lasog na ito. Tumalsik ang malapot na dugo sa katawan at damit ni Camille, na walang alintana sakaniya na mabahiran ng marka ng dugo ang katawan. "Hahaha! f**k!" Matinis na sigaw ni Camille na hindi pa nakontento na masira ang katawan ng kaawa-awang kakambal at kasabay ang pag kabasag ng buto at bungo nito. Nang mapagod na si Camille, padabog niyang binitawan ang figurine na anghel sa sahig at kasabay ang pagulong-gulong na may bakas na dugo iyon. "Hahaha!" Nilalasap ni Camille ang pag kamatay ni Camilla na wala siyang naramdaman na awa at konsensiya sa kaniyang dibdib. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib niya dahil wala na siya ngayon na kaagaw pa. "Ngayon wala kana, hindi mo na sa akin maagaw pa si Marco. Akin lang siya Camilla. Akin lang siya! Kinuha mo na ang lahat sa akin. Si Papa.. Si Mama at ngayon naman si Marco?" Mapait na tinig ni Camille at napadako ang tingin sa bangkay ng kakambal na wala ng bakas pang buhay. "Dapat lang 'to sa'yo! Matagal ko ng pinapangarap na patayin kita mismo sa aking mga kamay.. Ang sarap pala Camilla.. Ang sarap palang mabuhay, na wala ka!" Tila ba nababaliw na tinig ni Camille at kasabay ang pag suklay ng kaniyang buhok gamit ang palad niya. "Camille, Camilla? Ano bang inggay ang aking naririni---" pumasok si Auntie Cecelia sa silid at napa salampak ang katawan nito sa sahig ng makita ang duguan at walang-buhay na si Camilla. "Ahhhh!" Matinis na sigaw nito, na animo'y naka kita ito ng nakakatakot at karumal-dumal na krimen. "Jusko! Camilla! Camilla!" Umiiyak na sigaw ni Auntie Cecelia. Binalingan ni Camille ang Auntie Cecelia na naka-upo sa sahig at bakas ng takot ang gumihit sa mga mata nito na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng kakambal. Nag lakad si Camille sa direksyon ng kaniyang Auntie na bakas na ang takot na baka, siya na din ang sunod na patayin ni Camille. "Auntie Cecelia." Saad ni Camille at bahagyang yumuko sa harapan ng nanginginig na Auntie nito. Nilagay ni Camille ang hintuturong kamay sa pagitan ng labi ni Camille para ipahiwatig na huwag itong maingay. "Shhh. Huwag kang mainggay Auntie, kong ayaw mong magaya din kay Camilla.. Ayaw mo naman siguro na magaya sakaniya diba? Kong ako sa'yo itikom mo ang bibig mo Auntie, kong ayaw mo din magaya tulad kay Camilla at Mama.." nakaka-ngilabot na tinig ni Camille at nilagpasan ang nanginginig na katawan ng kaniyang Auntie. Dire-diretsong nag lakad si Camille, patungo sa cr nila at humilamos sa sink para alisin ang bakas na dugo ng marka sa kaniyang katawan at mukha. Humarap sa salamin si Camille at sinimulang putulin ang kaniyang mahabang buhok, gamit ang gunting, gaya ng itsura at haba ng buhok ng kaniyang kakambal. Sinuot din ni Camille ang damit na sinusuot ni Camilla at pinag-aralan niya ng mabuti ang kilos at galaw ng kakambal. Nag lagay din si Camille ng make-up at lipstick sa kaniyang labi at sumilay ang nakaka-lokong ngiti na ngayo'y kamukhang-kamukha na niya ang kaniyang kakambal. "Hi, Camilla." Ngumiti ng matamis na ngiti, na nag bibigay kilabot ng sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD