Kanina pa siya nasa sala at hinihintay ang asawa. Hindi naman kasi ito tumawag sa kanya at nagpaalam na may lakad ito. Dati, rati naman nauuna pang dumarating ang asawa niya sa kanya sa bahay, ngayon alas nueve na ng gabi, pero wala pa rin ito, wala din tawag o text. Sinubukan naman niyang tawagan ito, pero hindi ito sumasagot, alam niyang ilang araw nang malamig ang pakikitungo sa kanya ng asawa, dahil kay Gerald. Ano bang magagawa niya kung hindi sinasadyang nagkikita sila ni Gerald. Wala namang ginagawang masama ang tao, nakikipag kaibigan lang naman ito sa kanya at hindi niya pwede itong bastusin. "Asaan ka na ba Nico?" Bulong na tanong niya, kanina pa siya paroo't parito sa sala. Nakapaghanda na siya ng hapunan nila ng asawa, hindi pa nga siya kumakain kakahintay sa asawa. Nakaligo n

