"Anong ginagawa ng isang Nico Rodriquez sa Vincebar?" Nakangising tanong sa kanya ni Oliver nang madatnan siya ng kaibigan na umiinom mag isa. Tinawagan niya ang kaibigan para yayahing uminom ito, iyun nga lang as usual late ito, naka dalawang baso na nga siya ng alak bago ito sumipot. "Maupo ka na lang at samahan ako," tugon niya sa kaibigan na paniguradong mangungulit sa kanya kung may problema siya. Mula nang ma busy siya sa asyenda bibihira na lang siya nagtutungo sa bar, at nakikipagkita sa mga kaibigan. Pinapalago kasi niya ng husto ang asyendang binili niya, isama pang busy din siyang nag-aasikaso sa ilang family business nila. Nag-iisang anak lang siya kaya siya lang ang inaasahan ng mga magulang niya na magpapatakbo sa mga negosyo nila. "Babae ba?" Tanong sa kanya ni Oliver nang