"What are you up to, Gerald" He asked nang makalabas na si Atasha ng opisina at naiwan silang dalawa ni Gerald sa loob. Ito ang unang beses na nagkaharap silang dalawa na sila lang. Kukunin na niya ang pagkakataon na ito para tapatan niya ang lalake. Kung nais nitong manira ng relasyon, huwag na nitong ituloy pa. "Me?" Turo pa nito sa sarili nito. "Yeah," matigas na sabi niya. Alam niyang may kakaiba sa lalake. Noon pa man napapansin na niyang iba ang mga tingin nito sa asawa niya. Lalake siya kaya alam niya ang uri ng tingin ng kapwa niya lalake. "Nothing," sabi nito saka tumayo mula sa kinauupuan. "Nagpasama lang ang Mommy ko dito, kaya ako andito, walang ibang ibig sabihin ang pagbisita ko kay Atasha," seryosong sabi nito sa kanya. "Really?" Taas kilay na tanong niya sa lalake at

