"Damn ir Atasha! You know how much I hate him, tapos sassma kapa sa kanyang magkape!' Galit niyang hiyaw sa asawa. Hindi niya napigilan ang magselos nang makita ang asawa kasama si Gerald sa isang coffee shop, buong akala niya nasa shop pa ang asawa niya at nagtatrabaho, tapos makikita niyang nakakape kasama ang Gerald na iyon. Sinong hindi magwawala sa nakita niya. "You hate him dahil pinagseselosan mo siya ng sobra," sabi pa nito na tila ito pa ang galit sa kanya ngayon. Mapipigilan ba niya ang selos? Natural lang na magselos siya dahil may kasamang ibang lalake ang asawa. Matinding pagpipigil nga ang ginawa niya kanina para hindi sugurin ng suntok si Gerald. Binantaan na rin niya ang lalaking huwag na huwag ng lalapit sa asawa niya, pero makulit din ito at lapit pa rin ng lapit. Alam

