"May dapat ba akong marinig?" "Lumabas muna tayo saka na tayo mag-uusap kapag naka-labas na tayo." Sabay kaming hinila ni Zain palabas "Bitawan mo ako Zain, kailangan kong puntahan si Senyora." ani Demiree "Hindi pwede." pigil ko sa kaniya "Huwag niyo akong pigilan kailangan ko siyang makausap." "At ano ang sasabihin mo sa kaniya sige nga?" "Babawiin ko ang kapayapaan na ninakaw niya sa buong Helveria." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Alam mo na?" Saka niya nilabas ang isang libro. "Hindi lahat alam ko, dito ko lang nalaman sa librong ito. At sa mapang nakatago dito." Nagtataka ako kung bakit nasa kaniya ang librong iyan. Dahil sa pagkakaalam ko ay matagal ng sinunog iyan at wala ni isang kopyang natira. "Paano napasayo iyan? Matagal ng sinunog ang librong iyan para w