PART 3 DEALING WITH THE DEVIL 'Desiree's POV' HELVERIA UNIVERSITY kung saan nagsimula ang lahat. Lugar na pagmamay-ari ng pamilyang Deja. Pinamana sa magkapatid na Salvera at Sylvia. Walang ibang hinangad ang magulang nila kung hindi ang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Pero nang lumaon ay naging sakim si Salvera at inangkin ang buong Helveria. Nilisan ni Sylvia ang lugar sa kagustuhan niyang mamuhay ng tahimik. Nang bumalik siya sa HELVERIA. Pinili niyang magturo sa kabila ng alitan nilang magkapatid. Umibig si Sylvia kay Alfredo at nagkaroon sila ng anak na babae. Iyon ay si Desiree. Ngunit isang desisyon ang humantong sa mag-asawa para muling iwanan ang HELVERIA. Kasama nilang iniwan ang anak nilang si Desiree sa pangangalaga ng kapatid nitong si Salvera. Naging maayos