Ron, Kel & Marcel
Busy kami ngayon dahil inaasikaso namin ang business ni ATE na binigay sakin panakip sa mga dahilan. I mentally rolled my eyes, goodness I didn't know that this staff is much more complicated than being a princess.
Mapahawak ako sa sintido ko. At least hindi napansin ng iba na ako at yang si Amaya Rei na dati ay iisa. Huminga ako ng malalim at napatulala sa labas ng bintana kung saan kitang kita ang dagat. Kumusta na kaya silang lahat? Si daddy at ate, sila Ceres, si Riko makulit pa kaya? Si Seri nag aaral ba? Tsk. Namimiss ko na talaga sila.
"Gusto kong gumala di ko naman magawa" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa folder na binabasa ko "Bakit ba kasi kailangan kong umattend pa dun?"
Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok at inintay kung sino yun, maybe si Miko, Karen o si kuya Lance yan. Kami lang kasi ang tao dito and besides we dont need maid and butlers baka mamaya masabutahe pa kami.
"Yes? Come in" sabu ko at bumukas naman to and nakita ko si Karen.
Agad syang pumasok sa kwarto ko at pumunta sa kama ko saka humiga at dahil wala naman syang balak magsalita ay tinuon ko na lang ang pansin ko sa folder na kanina binabasa ko.
"Hindi ka ba nabobored?" napatingin naman ako kay Karen pero nakatalikod sya sakin habang nakahiga sa kama ko at saka sya umupo "kasi ako bored na bored na. Like hello wala ba tayong ibang pwedeng gawin? Work work work, aren't you tired? Mas madali pa nga ata ang gawain sa palasyo eh" natawa naman ako.
"Iba ito sa lugar natin sa dagat Karen. Here we need to work hard in order to live and besides here in Land we aren't Prince and Princesses even you are a soon to be Queen" sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman sya.
Thats right, Karen is soon to be Queen of Purple Palace and everyone there loves her. Some said she didn't deserve it but most of the people said she is deserve it. Ewan ko nga lang bakit sya ang sinabi ni daddy na sasama sakin if her position is much more complicated than ours.
"Tsk." yan lang ang nasagot nya sakin.
"Anyway Karen. I dont have any chance lately to ask you this"
"What is it?" Tinanggal ko ang tingin ko sa folder at tumingin sa kanya saka ko itinanong ang gusto ko nang itanong matagal tagal na.
"Why you want to be with me here? I mean hindi ka naman sasama sakin kung wala kang magkukuha na benifits. What's your reason?"
Sad to say but that kind of girl she is. She would not let anyone to be friend to her if she cant have any benifits except to us, meron man o wala kaibigan pa rin ang turing nya sa amin.
"You really a good observer aren't you?"
"Well yah know nasa lahi na naman ang pagiging ganito" kibit balikat kong sabi at napabuntong hininga naman sya.
"That's right I have my own reason" pag uumpisa nya saka sya tumingin sa mga paa nya "I want to find my king, I want to find Kyle. Ayokong mamuno ng walang hari" sabi nya saka nag pout. The moment na magsink in na sa utak ko tumawa ako ng tumawa at sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Seriously? Oh my goodness hahahahaha" inirapan nya naman ako saka sya tumayo.
"Hirap mo talaga kausap babae ka! Nag tatanong ka tapos nung sinagot kita ay ewan ko sayo."
"Hahahaha hindi ko lang naman kasi akalain na ganyan pala ang reason mo but anyway thank you for answering my question with your oh so romantic answer" sabi ko at tumawa.
"Whatever" sabi nya saka sya lumabas ng kwarto ko.
Yoixhi (Yoy-shi) Makito is the CEO of Makita Corporation who owned 247 coffee shop and 381 mini botique.
This is also one of my list.
1. Mr. Asahi (crossed out)
2. Mr. Makito the CEO
3. Mr. Bernard Akihara the head of the university
Sa ngayon sa mga nakalist ko iisa pa lang ang nako-crossed out at marami pa ang hindi ko pa nakikita. I dont know where I should find them but I know that our paths will eventually meet.
Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa pinto ko at nakita ko si kuya Lance kaya naman lumapit ako sa kanya saka nya sinabi ang gusto nyang sabihin.
"Sasama ba kayo?" Napakunot naman ang noo ko.
"Saan?"
"Pupunta ako sa center for some business matter tatanungin ko lang kayo kung gusto nyo mamasyal nakakabaliw ang puro business at aral" natawa naman ako sa sinabi nya.
"Yeah sure. Tatanungin ko muna sila intayin mo na lang kami sa may harap"
"Sige"
Nang umalis si kuya Lance ay nag bihis na ako agad mahirap na baka maiwan ako. Tsk bakit kasi ang aga ko magising? Ang aga ko tuloy naligo. Una kong pinuntahan si Miko, kahit na boyfriend ko tong lalaking to ginagalang ko pa rin ang privacy nya at ganun din naman sya sakin.
"Bakit?" Tanong nya at shemay bagong ligo ang loko.
"Bilisan mo magbihis aalis tayo."
Agad ko sinara ang pinto saka bumuntong hininga papunta sa kwarto ni Karen, bakit ako agad umalis? Syempre mahirap na baka mamaya magkasala pa kaming dalawa. Nang kumatok ako sa kwarto ni Karen narinig ko syang sumigaw ng come in kaya pumasok na ko.
"Aalis ka? Di mo ko isasama?" Napairap naman ako sa sinabi nya "Ikaw babae tigilan mo ko ah hindi tayo naka b***h mode on"
"Ikaw naman kasi eh. Sige na bilisan mo jan"
Bumaba na ako ng masabihan ko sila wala dun si kuya Lance sa sala dahil nga nasa parking lot sya di ba? Ano ba naman yan bakit ganito na ugali ko? Mabait naman ako ah.
"Hi, wife"
"Hello hubby"
"Hindi ba kayo nagsasawa sa kasweetan nyo? For the nth time pakiusap wag sa harap ko"
"Ikaw Karen tigil tigilan mo kami ni Maya ah nasa iisang bahay lang tayo kaya natural lang na makita mo kaming ganito" sabi naman ni Miko at umirap lang si Karen.
Lumabas na kami sa bahay at nilock mahirap na baka pasukin mahalata at mabuking pa kami kahit nga yung kwarto ko may lock eh and also may CCTV camera.
"Finally, hop in" sabi ni kuya Lance at saka kami pumasok sa kotse.
Actually maganda tong kotse na to black sya and pwedeng tanggalan ng bubong and because mainit na ngayon we decide not to remove it. Tahimik lang kami sa kotse I use my headphone and listen to my favorite song, fight song. I can relate to this song kaya gusto ko to.
Napatingin naman ako sa kanan ko ng may ulong bumagsak and I smiled unconciously nang makita kong tulog si Miko. Almost half hour kasi ang byahe papunta sa central, that place is indeed beautiful may tatlong botique kaming nakatayo doon.
Hindi ko pa nakikita yun but the members and staff of my botique already knew about me kaya no need for introduction when I visit it.
"Nandito na tayo" sabi ni kuya Lancr kaya naman ginising ko na si Miko. "Gagabihin ako ng uwi if ever na hindi ko kayo maabutan eh magcommute na muna kayo" napairap naman ako kay kuya.
"Sana sinabi mo para nagdala na lang kami ng own car namin" sabi naman ni Karen at natawa naman si Kuya.
"Trust me mas maganda pag nagcommute kayo"
"Eh pano hindi namin alam" inis namang sabi ni Miko.
"Did you forget that I grow up here? Did you forget that my mansion is here?" Sabi ko sa kanila at nagpoker face naman sila.
Yeah nasa central ang mansion namin actually dalawa yun dito sa central lang minsan umuuwi sila lolo at lola dahil sa nandito ang main business namin and the other mansion is near to my house where I live right now, its in the cliff and the view is really breathtaking.
Nang bumaba kami agad nila kaming pinagtinginan not just Miko and Karen but also me. The hell nagdudunda ba sila? Oh well they knew my face back then coz lola made an announcement about me.
'Isn't she the soon to be speaker of the house?'
'They said she died in the cliff'
'But no one saw her body right'
'She might be that girl. The girl we admire'
'No it cant be look at her she walk like a queen, like she own this world. It couldn't be her its imposible.'
'You have a point'
Yeah I walk like a Queen mahalaga to dahil sa down to earth ang pagkakakilala nila sa akin, mabait din kaya naman pinipilit kong maging maldita at mataray. Kahit na ayoko wala naman akong magagawa.
Naglakad kami papunta sa botique namin una naming binisita ang pinaka malapit. Pagpasok pa lang namin agad na napanganga ang mga staff.
"Good day Ladies and Master" sabay nilang sabi.
Di ba alam na nila ang tungkol samin na orient na rin kasi sila sa main branch kaya ayan. At dahil feeler kami ngayon ay hindi namin sila pinansin umakbay lang sakin si Miko saka kami nagsimulang umikot may sumunod naman sakin ganun din kay Karen.
"I guess I need to change the design and the fomation of the furniture and the dresses" sabi ko at nag nod lang naman ang babaeng sumunod sakin "Did you hear me?" Tanong ko saka tumingin ng masama.
"Yes Lady"
"Good. This stand place it the the leff because it blocking the other design of the interior also call someone who is professional when it comes to interior design I want to change it"
"Yes ma'am" sabi naman ng isa pa.
"What design would you think will fit in this botique?" Tanong ko kay Miko.
"An atlantis design I guess? Like a castle under the water. Dessert like this isn't fit to the name of the botique"
Gusto ko sana syang sikuhin dahil sa sinabi nya na gusto nya kagaya ng Golden Palace pero baka makahalata. Nang makaalis kami doon ay umalis na kami nila Karen nang makalabas kami parang may pamilyar akong mukhang nakikita.
"Karen di ba si Ron yun?" Sabi ko at sabay sila ni Miko napatingin doon sa tinuro ko.
Napakunot naman ang noo nya nang makita ang tinuro ko saka tumaas ng kilay.
"Why is he here? Is he alone?"
"Baka malaman mo kung di mo kakausapin and baka mamaya hindi sya yan" sabi naman ni Miko na napasang ayon ako.
"Yeah alam mo na may mga kamukha tayo here nang di natin nakikita" sabi ko at nag nod naman si Miko.
"Lets just ask him" nag nod naman kami at saka lumapit syempre si Karen ang nag approach.
"Excuse me" sabi ni Karen saka kinalabit yung kamukha ni Ron "Are you Aaron?" Kumunot naman ang noo ng kamukha ni Ron.
"Yeah. Why?" Oo nga pala hindi nya nakikilala ang mukha namin. "Nagkita na ba tayo noon?" Tanong nya at ngumiti si Karen saka humarap sa amin.
"Confirm" nag nod naman ako at si Miko.
"Can we talk for a minute?" Sabi ni Karen and dahil sa likas na magaling magsalita tong babaeng to kahit na nagdadalawang isip si Ron ay napapayag nya.
"Hey bro nabilihan ko na si Marcel ng damit nya" sabi naman ni Kel at napangisi naman si Karen "Sino sila?"
"Para pong nakita ko na kayo" sabi ni Marcel.
"Lets go to coffee shop our treat" sabi naman ni Karen.
And gaya ni Ron parang ayaw din pumayag ni Kel pero wala syang nagawa kaya naman sumunod na rin sya pati si Marcel. Pumunta kami sa coffee shop ko, yes ko isa ito sa binigay ni ate Elena sa akin.
"Bakit at paano mo nga pala kami nakilala?" Tanong ni Ron kay Karen.
"Oo nga ngayon lang naman kami nakalipat dito" dagdag naman ni Kel.
Ahh lumipat pala sila now we know.
"Its because we knew" sabi ni Karen. "Sa Leropurl kayo dati nakatira and dun ko rin kayo nakilala"
"Huh?" Sabay na sabi no Ron at Kel kaya naman napatawa kaming tatlo at nagtataka naman si Marcel.
"I'm Miko Golden"
"Amaya Rei Serene-Golden here. Your crush hahaha"
"And the one and only Karen purl"
"The mermaids" bulong naming tatlo.