Reinforcement "Tell me" Nakita ko ang sakit at galit sa mga mata ni kuya Lance kaya naman naawa ako sa kanya. Tiningnan ko sila Miko at Karen at nag nod naman sila. Nalaman namin kahapon ang dahilan kung bakit pinatay ang daddy ni kuya Lance and once na malaman nya to gagawa sya ng paraan para malaman kung sino ang may pakana. Matalino si kuya Lance at alam kong nakakahalata na sya. "Kahapon lang namin nalaman ang totoo, ang totoo kung bakit pinatay ang daddy mo kuya Lance" bahagya syang nabato sa kinatatayuan nya kaya naman tinuloy ko lang ang sasabihin ko "Nalaman namin na kaya sya pinatay ay dahil sa may nalaman syang di pwedeng malaman ng iba. He was about to tell it to my family, to Aofuka clan but before he made it he shoot to kill" malumanay kong sabi. "And what secret js that?