The business world
And because ate Elena and ate Mika support us with this bibigay nya samin ang isang shop dito sa village. Pag nandito pala sila sa lupa pagpapakilala nila magkakapatid sila kaya naman naiiling kami habang binabasa ang folder na binigay samin ni kuya Lance kanina.
Naayos na namin ang bahay and because kuya Lance is the caretaker kaya wala kaming gaanong nalinis, bakit? Malinis eh. Magkatabi lang din ang kwarto namin ni Karen, nasa right wing ang amin at second floor kaya kitang kita din ang dagat ang kay Miko naman nasa left wing.
Napatigil ako sa pagscan ng folders ng may kumatok at niluwa ng pinto ko ang malaadonis na mukha ng asawa esti boyfriend ko pala.
"Tapos ka na ba?" umiling ako at napakunot naman ang noo nya ng makita ang folders na nasa harap ko "Bakit ang dami naman ata nyan?"
"Malay ko, tanong mo ate mo" inis kong sabi at natawa naman sya.
"Hayaan mo na suportado ka nila kaya ganyan yan sila"
"Kaya ganito sila makapagpahirap sakin ganun?" sabi ko saka nagpout at kiniss nya naman ako.
"Maganda ka pa rin hayaan mo na"
"Naku kung nandito na naman si Karen magrereklamo na naman-"
"PDA KAYO MASYADO JUSKO" kakasabi ko lang eh nakita ko namang nakakunot noo ni Karen "Pag nakita ko talaga si Kyle-"
"Hahalikan mo sya." pagtatapos ni Miko.
"Hindi ah y-"
"Yayakapin?" dagdag ko naman at mas lalo pa syang nainis.
"Ewan ko sa inyong dalawa magsama kayo parehas kayong weird. Jusmiyo bagay na bagay nga kayo" at padabog nyang sinara ang pinto ng kwarto ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Miko at saka kami tumawa ng tumawa. Priceless talaga ang itsura ni Karen pag naiinis sya hahahaha palibhasa single sya ngayon at take note mag isa lang sya dito wala sila Ceres kaya di nya kami makayanan.
"Oo nga pala Mik bat ka nandito?" tanong ko at humiga naman sya sa kama ko.
"Wala lang gusto lang kita makita, masama ba?" napakunot naman ang noo ko.
"Maghapon na tayong magkasama kahapon and also magkasama tayo sa iisang bahay hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" takang tanong ko.
"Hindi. Bakit naman ako magsasawa? Kahit na araw araw kitang kasama nag iiba naman ang ganda mo" sabi nya na mas lalong kinakunot ng noo ko "Mas lalo kang gumaganda"
"Kikiligin na ba ako?" walang emosyon kong sabi at sumimangot naman sya kaya natawa ako.
Oo na sige na ako na kinikilig ayoko lang naman umamin sa kanya baka mamaya ikalaki ng ulo nya kaya hindi ako nagsasalita.
"Oo nga pala I feel sorry para doon sa mga nasabihan ko nang masasama" sabi ko at saka ako tumayo at lumapit sa kanya agad nya naman akong niyakap.
"Aaminin ko nakakapanibago ka kahapon pero ang astig mo pa rin kaya mas lalo akong napamahal sayo" sinamaan ko sya nang tingin at mahina naman syang natawa "Alam mo naman kung bakit mo ginawa yun eh kaya wag ka na makonsensya jan at isa pa hindi ka naman nila nakilala di ba?" nag nod ako "Oh ibig sabihin effective. The old you can ruin your plan so you did a great job yesterday"
Kung wala si Miko dito hindi ko alam kung makakaya ko ba ang misyon kong to alam ko naman na ako lang ang makikinabang sa misyon na to pero sinamahan pa rin nya ako pati na rin si Karen kaya natutuwa ako sa kanila. Agad naman napatanggal sa pagkakayakap si Miko sakin ng bumukas ang pinto at niluwa si Karen.
"Do I need to remind you guys that you two are just married here in role and still dont have a wedding in real?" mataray nyang sabi nya at napairap naman ako "Anyway breakfast is ready tumayo na kayo jan pupunta tayo sa isang meeting"
At tumayo na naman kami ni Miko. Meeting, kakaumpisa lang namin may meeting agad kaming pupuntahan. Yun ang dahilan kung bakit ako nagbabasa ng mga information sa folder na ibinigay sa akin ni ate Mika.
Nadatnan namin si kuya Lance na nag aayos ng kainan namin. Oo nga pala dito ko na rin pinatira si kya Lance sa bahay ko pero ang bahay nya sa tabi ng bahay na to ay pahingahan nya. Susyal di ba? Pero hayaan na.
"Wala pa bang nabubuo?" tanong ni kuya Lance at napakunot naman ang noo ko. Nabubuo?
"Paano kami makakabuo kuya Lance kung laging may isang eepal?" sabi naman ni Miko sabay tingin kay Karen.
"Wow ah. Ako pa talaga. Isusumbong kita kay tito sabihin ko di pa kayo kasal ni Rei balak mo na syang buntisin"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Karen. What the hell? Si Kuya Lance tumawa lang sa naging reaksyon ko samantalang si Miko naman ay binatukan si Karen na ngayon ay halos mamatay na kakatawa.
"Ano nang plano?" tanong ni Karen.
Nasa kotse kami ngayon at si kuya Lance ang nagprisinta na magdrive di din naman kasi marunong si Miko dahil sa buong buhay nya puro lang sya langoy. Ops lagot ako dun pag nalaman nya to.
"Magpapanggap na business woman and business man. Sa tingin ko naman may proper training na kayo Karen and Miko" sabi ko na walang gana binatukan naman ako ni Karen kaya napapout ako "Aray ko naman anong problema mo?" tanong ko at tinaasan nya ako ng kilay.
"Huwag ka muna magmaldita sa harap namin please lang hindi ako sanay!" natawa naman ako sa sinabi ni Karen.
"Ikaw kuya Lance anong balak mo?" tanong ni Miko.
"Ako ang magiging gwapong body guard nyo hahahaha"
Napailing na lang kami dahil sa biglang tumawa si kuya Lance para na atang baliw to. Nang makarating kamis a venue ay pinakira ni kuya Lance ang invitation at binuksan naman ang gate.
The Asahi Residence. This family is one of our enemy and I guess magugulat ang mga business man and woman kapag nakita nila ako. They will question my identity for sure and I am ready for that.
"Stop" napatingin naman ako kay Miko.
"Bakit?" tanong ko.
"Mukha kang papatay my dear" sabi nya at nag pout naman ako.
"Jusko konti na lang ibabalibag ko na kayong dalawa" inis na sabi ni Karen at natawa naman kami.
"Hanapin mo na kasi si kuya Kyle" sabi ko at nag pout naman sya "Ew Karen wag ka ngang mag pout di ako sanay" dagdag ko pa at sinamaan nya naman ako ng tingin kaya nagtawa kami.
When we arrive in front of the recidence mansion ay agad na bumaba si kuya Lance at binigay sa isang lalaki ang susi ng kotse. Maybe because he is the one who will park this car?
"Ready to become a b***h and jerk?" tanong ni Karen.
"As always" sagot naman namin ni Miko.
"Then be a Princess no wait, be a Queen and King tonight" nakangisi nyang sabi at napangisi din kami.
Binuksan ni kuya Lance ang pinto ng kotse at unang lumabas si Karen samu't saring flash ng camera ang narinig ko mula sa loob. Next naman na lumabas si Miko at ganun pa rin naman ang nangyari and then ako na. Kahit na kinakabahan ako di pa rin ako dapat magpatalo.
Nang lumabas ako bulungan ang narinig ko sa una walang nagflash but then biglang naging mas marahas ang flash ng camera, I let my b***h aura out of my body kaya naman feeling ko napaatras sipa ng konti. Even in the inside of the mansion no one can make their noise.
Bakit nga ba? The person they though already gone are now here in front of the but then they're wrong hindi ako ang dati nilang kaharap.
"Your name?" tanong sa amin ng receptionist. Oo nga pala ipapakilala pa kami.
"I'm Lance Villafuerte and this is Lady Karen Purl, Master Miko Golden and his wife Lady Amaya Rei Serene-Golden the owner of the most expensive Mermaid Botique" pagpapakilala ni kuya Lance.
Maraming nagulat at hindi makapaniwala dahil bukod nga naman sa kamukha ko ang dapat speaker of the house ay kapangalan ko rin but then nang magsalita ako nag iba ang pananaw nila.
"Ano tutunganga na lang ba kayo samin? Alam namin na mga magaganda at gwapo kami kumpara sa inyo pero pasensya na hindi kayo kagandahan talaga" inis na sabi ko.
I walk like a Queen same kay Karen and ganun din naman si Miko at kuya Lance. Hanep din tong magiging body guard namin nakikilakad king din langya hahaha.Nang makarating kami sa reserve table namin we started to talk but no one can hear us.
"Havey ka kanina girl" natatawang sabi ni Karen at natawa naman ako ng mahina.
"I know right" pataray kong sabi.
Marami pa rin kasing nakatingin sa table namin and I know that they will judging us base on our look and our wealth, the way we talk and walk they cant see any hole to bring us down.
"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMAN" nakangiting sabi ni Marcos Asahi ang isa sa list ko "WE ARE HERE TO MAKE AN AMEND" amend? "LETS OUR BUSINESS COLIDE" Nagsiingayan naman ang iba.
May mga tumutol at lalabas na sana ng may magpaputok ng b***l kaya naman napatigil ang lahat. Nandito kami sa teretoryo nya kaya wala kaming kalaban laban kung titingnan mo.
"LETS FINISH THIS MEETING" nakangiting sabi ni Mr. Asahi. Sarap naman sapakin nito. Napatingin sya sa gawi namin at saka ngumit para kasing kami lang ang hindi nagulay sa ginawa nya "LETS START WITH THE MATSUMOTO INCORPORATION" napatingin naman kami sa sinabi nya.
Nandoon ang isa sa alliance ng lolo ko, si Lolo Rafael isa sa close ko sa mundo na to na nagtuturo sa amin ng mga pinsan ko na maging down to earth.
"GUSTO MO BA O GUSTO MO BANG SUMALI SA GAGAWIN KONG KUMPANYA?" Walang pagpipilian at nakita ko naman sa mga mata ni Lolo Rafael na ayaw nyang sumali. "TANDAAN NYO NASA TERETORYO KO KAYO KAYA ISANG MALING GALAW NYO LANG PWEDE KO KAYONG PATAYIN" what the hell?
Kalamado lang kaming tatlo nila Miko at si kuya Lance naman parang puputok na sa galit kaya naman kinalabit ko sya saka ngumiti at buti na lang kinalma nya ang sarili nya.
"Hindi naman tayo pwede basta basta magsalita at gumalaw" sabi ko kay kuya Lance at nag nod naman sya.
"Mas maraming madadamay" dagdag pa ni Karen.
Tahimik lang kaming nanonood at napangiti naman si Mr. Asahi ng hindi pumayag si Lolo Rafael.
"Sige para mas masaya may tatlong malalaking kumpanya lang ang pwedeng humindi and the rest makakasama ko" napailing na lang kami dahil sa ginawa nya.
"Grabe naman ata sya sa kasakiman" bulong sakin ni Miko at nagkibit balikat naman ako.
Marami ang tutol at iilanblang ang hindi sa isang daang mga negosyante na nandito bente lang ang pumayag na makiisa.
"ANG HINDI SUSUNOD SAKIN PAPATAYIN" napasinghap naman ang karamihan.
Ewan ko ba pero sakin parang normal na ang p*****n siguro dahil sa nakasaksi at nakasali na rin ako sa digmaan sa ilalim ng dagat.
"HAHAHAHA NGAYON MAY TATLO NANG MALALAKING KUMPANYA ANG HINDI THE REST MAKAKASAMA KO" tiningnan ko si Miko at si Karen at nag nod naman sila.
This is the right time para magsalita kaya naman tinaas ko ang kamay ko para kunin ang atensyon nya.
"YES MRS. GOLDEN?" nakangiti nyang tanong.
"Para kang baliw" kalmado kong sabi at napakunot naman ang noo nya "Hindi ka naman masyadong nagpapahalata na gusto mo ng pera no?" Dagdag kong sabi.
"MRS. GOLDEN YOU ARE JUST NEW IN THE BUSINESS WORLD YOU KNOW NOTHING-"
"SHUT UP" Napatingin naman ako kay Karen at napangisi ako. "You dont know her stop talking like a holy mighty isa ka lang naman ding sakim sa pera"
May mga napasinghap at meron din namang napangiti dahil sa sinabi naming dalawa. Sino nagsabi na girls cant fight? Halika dito sapakan tayo de joke. Tiningnan ko si Mr. Asahi na naiinis na.
"Give me a valid reason why would we merge with your oh so called company?" Tanong ko at may mga sumigonda naman sa akin.
Tiningnan ko si Miko at nag nod naman sya para sabihing ready lang sya sa mga pwedeng mangyari.