💮Second Land Adventure

1651 Words
The new neighbor and the past Ang sabi ni daddy wala daw katabi ang bahay na to pero nagulat kami ng may maliit na bahay sa tabi ng mansion na titirahan namin. "Sino kayo?" Napatingin kami sa likod namin at napataas naman ang kilay ko. "Ikaw anong ginagawa mo sa lupa ng daddy ko?" "Lupa ng daddy mo?" Takang tanong nya at tinitigan ko lang naman sya. "Ikaw ba si Amaya Rei?" Nagkatinginan kaming tatlo nila Karen at Miko bago ako nakanod sa tanong nya. Ewan ko kung bakit ko sinabi pero siguro kailangan din? Yeah baka nga. "Well then. Halika kayo sa loob may kailangan akong sabihin" sabi nya at nagkatinginan na naman kaming tatlo, baka mamaya mapatay pa kami "Wala akong gagawing masama may ikukwento lang ako na kailangan nyong malaman" Wala na kaming nagawa kaya naman sumunod na lang kami sa kanya papunta sa maliit nyang bahay na katabi lang ng magiging bahay na mansion namin. Kung titingnan mo sa labas mukha syang luma at parang sira sira na sa loob pero sabi nga nila dont judge the book by its cover. Shemay ang ganda pala dito sa loob modern na modern. May isang problema nga lang medyo maliit to para sa limang tao pero kaya pa naman nakagalaw dahil apat lang kami. "Ako nga pala si Lance at ako ang pinabantay dito ng tatay ko simula ng mawala sya" sabi nya samin at saka kami hinandaan ng tubig "walang lason yan wag kayong mag alala at isa pa hindi naman ako masamang tao" dagdag nya pa. At dahil sa kanina pa kami naglalakad paakyat ay halos maubos na namin ang isang pitsel ng tubig na malamig langya kasi di ko alam na ganun pala ang pagod kapag umakyat ka sa bundok di kasi ako pinapayagan ni lola dati na pumunta dito dahil delikado daw. "Ako naman pala si Amaya at ito ang asawa kong si Miko at pinsan kong si Karen" pagpapakilala ko sa sarili ko at sa dalawa kong kasama. Mukha kasing wala silang balak magsalita kaya ako na lang ang nagsalita para sa kanila. "Huh? Asawa? Pinsan? Sobra naman atang bilis ilang taon ka lang naman nawala dito three years I guess? And now may asawa ka na? And also sa pagkakaalam ko patay na lahat ng pinsan mo" Dapat ko bang pagkatiwalaan tong Lance na to? Dapat ba? Bakit parang kilalang kilala nya ako? Bakit parang nababasa nya ang totoo sa mga mata ko? Isa rin ba syang kagaya namin? "Pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ko. Hindi pwede kahit na mukha syang mapagkakatiwalaan ay hindi ko pa rin dapat sya pwedeng pagkatiwalaan lalo pa ngayon at hindi ko alam kung bakit sya nandito bukod sa sya ang pinabantay ng bahay na to ng papa nya. "Kahit na itago nyo sakin alam ko ang totoo. You dont trust me alam ko pero kung sabagay sino ba naman ang tanga para maniwala basta basta ng walang proweba hindi ba?" Hindi kami nagsalita sa sinabi ni Lance at nagpatuloy lang sya sa pagsasalita. "Twenty two years ago ay pumunta ang daddy mo sa bahay to talk to my dad about this house, your father is the designer of this house and mu father is the constructor." Pag uumpisa nya. Twenty two years ago? Hindi pa ako napapanganak nyan or maybe nasa sinapupunan pa ako ni mommy at manganganak pa lang sya. Baka? "My dad died five years ago and before he died he said that I need to take care of this house no matter what happened because someday one of his child will come and make it home." Sabi nya at nakinig lang naman sya saka ngumit "And he's right. Ang bunsong anak ng may ari nang bahay na to ay nandito na sa harap ko" Mukhang wala na ata kaming matatago pa sa lalaking to mukhang alam nya ang lahat. Tiningnan ko si Karen at Miko at nagkibit balikat naman sila. "Bakit nga pala dito ka nakatira at hindi doon sa loob ng mansion?" Tanong ni Karen at nginitian naman sya ni Lance bago sagutin ang tanong nya. "Because I respect it. Ito ang pinaka master piece ng papa ko kaya naman nirerespeto ko to, nililinis ko lang ang bahay pero wala akong pinapakialaman" naka pa-ahh naman kami sa sagot nya. "Kung sasabihin ba namin sayo hindi ka ba magsasalita sa iba?" Tiningnan ko si Miko at kita kong seryoso sya at saka ako tumingin ulit kay Lance "Ayokong isugal ang kaligtasan ng dalawang to" sabi nua saka hinawakan ni Miko ang kamay ko na nakapatong sa mesa "Lalo na si Maya" Kikiligin na ba ako? Shet sige na okay ako na kinikilig okay na? Walang hiya naman kasi tong si Miko hindi ko alam kung anong klaseng topak ang sumugod sa utak nya ngayon. "Dont worry hindi ako kalaban" sabi nya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya "Ang totoo nga nyan iisa lang ang pumatay sa pamilya mo at sa papa ko" Literal akong napanganga dahil sa sinabi nya so it means hindi namatay sa sakit ang papa nya? Goodness mga tao nga naman na sakim sa kapangyarihan gagawin lahat makuha lang ang gusto nila. "Yes. I'm Amaya Rei Aofuka but starting today I am Amaya Rei Serene." Sabi ko at kumunot naman ang noo nila. "Bakit?" Tanong ko sa dalawang kasama ko. "Aofuka?" Takang tanong Miko. "Yes. Aofuka is my surname here since birth" napa-ahh naman kami. Tumayo si Lance at saka binigay sakin ang isang brown envelop kaya naman agad ko itong kinuha at napangiti ako. Ang bahay nakapangapan sa aming dalawa ni kuya pero mas malaki ang magiging parte nya. "Anong plano mo?" Tumingin ako kay kuya Lance "Alam mo bang akala ng lahat dito patay ka na rin?" "Kuya Lance pwede mo ba ikwento samin kung ano na ang balita dito?" Tanong naman ni Karen. Mas matanda kasi si kya Lance samin kaya kailangan namin syang i-kuya yan ang isa sa mga ugaling naituro sa amin sa pagiging royalty namin ang maging magalang sa mga nakakatanda sa amin. "Naging headline ng balita ang nangyaring murder sa Aofuka Mansion ang dahilan ay politics. No one knew kung sino ang nagpagawa noon sa Clan mo pero alam ng lahat na isa sa mga kalaban nyo yun" binigyan nya muna kami ng cookies bago nagkwento ulit. "Hindi nila nakita ang katawan ng tagapagmana which is your brother Kian and the body of the next speaker of the house which is you. The are search in the ocean but you were nowhere to be found kaya sumuko na sila not until three days after that ay nagpakita si Kian and he said na aalamin nya kung sino may gawa nito." "Kumusta naman na si kuya?" nag aalalang tanong ko. Oo palagi kami noong nag aaway but even if it always like that I still love him. He is my knight in shining armor when I was a child. I love him. "Okay lang naman ata sya I guess. Sya na lang mag isa ang nakatira sa mansion at walang may gustong maging maid doon dahil natatakot na baka maulit ulit ang dati at wala ding may gustong pumasok doon bukod sa kanya" "Bakit?" tanong naman ni Miko. "Sabi kasi nila nagpapakita daw ang tito at tita nya doon sa may bintana ng kwarto nila kaya kinatakutan na ang mansion nyo" Nakakalungkot ang dating isa sa pinaka tourist spot sa bayan namin ay ngayon kinatatakutan na. Sila tita at tito nagpapakita? Imposible kahit na patay na sipa alam kong imposible pa rin na magpakita sila. "Ako lang ba o pati kayo ang nakakaramdam" sabi ko at narinig ko ang pagbuntong hininga ni Karen. "Feeling ko chismis lang yun" "Tama si Karen walang normal na tao ang nakakakita sa kaluluwa" dagdag pa ni Miko. Pano namin nalaman? Well dahil sa alam namin de joke lang napag aralan namin yun sa GdoubleA kaya alam namin. Iba naman kasi ang pinag aaralan doon sa dito pero may mga minor subject pa rin naman gaya ng math, science at english. "All of here thought that the ocean killed you" napatingin ako kay Kuya Lance sa sinabi nya "May nakakita kasi sayo na nalalaglag ka mula sa bangin, her name is Julie if I'm not mistaken" Napakunot ang noo ko, Julie? Saan ko nga ba ulit yun narinig? Teka medyo nagiging ulyanin ata ako dahil sa mga problema na dumadating sa buhay ko. Pero alam ko naman na hindi ako bibigyan ng ganitong problema kung di ko kaya, I must succeed. "Ano pa?" tanong naman ni Miko. "Hanggang ngayon, three years na ang nakakaraan pero hindi pa rin mahanap ni Kian ang hustisya sa pamilya nyo" Napayuko naman ako sa sinabi nya. Ganyan ba talaga sa mundong to? Nababayaran na ng pera ang buhay ng isang tao? Naalala ko ang sinabi ng lalaki na pumatay sa clan ko, sabi nya napag utusan lang daw sya kaya sya pumatay at isa daw sa kalaban ng pamilya namin ang nagpapapatay sa amin. Nasa mansion ang listahan ng mga salungat sa amin nasa ilalim ng desk ni lola. Bakit ko alam? Syempre sinabi nya sakin ang tungkol doon, close naman kami ni lola kahit na papaano.  "What now?" tanong sakin ni Karen. "Ganun pa rin. Pretending that I didn't know who are the people here except from the three of you." Napanod naman sila "Oo nga pala kuya Lance anong plano mo?" "Palihim kong tinutulungan ang kuya mo kaya kahit papaano may progress ang pag iimbistiga nya." "Nag aaral ka pa ba kuya Lance?" Tanong ni Miko at nag nod naman si kuya Lance. "Oo at doon sa pinag aaralan ko doon din nag aaral ang mga anak ng may atraso sa atin" sabi nya at napa nod naman ako. "Kayo?" "Mag aaral din po kami doon. Ang sunny ville unibersity ang sinasabi mo di ba?" Tanong ko at nag nod sya.  Kahit na maliit lang ang bahayan namin sagana naman kami sa lahat pati na rin sa pag aaral. Dito sa amin masyado kaming asensado at mas malaki ang nasasahod dito pero mahirap makapasok. Hindi kami basta basta nagpapapasok ng negosyante. Ang Sunny Ville University or mas kilala bilang SunViUn (sanbiyun) ang pinaka prestihiyosong paaralan dito. This university can offer you a knowledge more that anyone. Grades ang labanan dito kaya naman mapapasabak kami nila Miko nito. "Okay na ba ang papeles nyo?" Tanong ni kuya Lance at nag nod naman kami. "Tara punta tayo sa office ng director para makapagtransfer na kayo esti makapag enroll pala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD