💮Fourteenth Land Adventure

1400 Words
life vs death in information "Saan kayo galing?" Tanong agad samin ni kuya Lance ng makita nya kami "Kanina ko pa kayo hinahanap" dagdag nya pa. "May inayos lang kami. Bakit?" Sabi naman ni Karen. "May bisita kayo" sagot naman ni kuya Lance. "Sino?" This time si Miko na ang sumagot. Tumingin sakin si kuya Lance at walang gana naman akong tumingin din sa kanya, I know nagtataka sya kung bakit ako tahimik pero anong magagawa ko? Hindi ko sinabi sa kanila na ang babae na nasa picture ay ang mommy ko at ang dalawang bata ay ako at si kuya Kian Im sure na maguguluhan lang din sila. Nakakabaliw naman to. Noong una akala ko business lang at ang paghahanap ko sa hustisya ang aasikasuhin ko hindi pala pati sa pag alam sa nangyari kay mommy kailangan ko rin pala alamin. Sabi kasi sakin ni lola namatay si mommy ng ipanganak ako pero bakit may picture kami na buhat nya ako simula noong month year old pa lang ako? I am sure na hindi si ate Elena yun dahil si ate nasa tubig simula pagkabata nya nang ipanganak sya at even her hindi nya pa nakikita ang mommy nya. Totoo bang magkaparehas lang kami ng mommy? Ang alam ko kasi si mommy lang ang pinakasalan ni daddy but then ang alam ko tao si mommy. "Rei" Napabalik naman ako sq ulirat ko ng sigawan ako ni Karen kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit?" Inis kong tanong at inirapan nya naman ako. "Stop thinking! Wag mo muna alalahanin yang iniisip mo" inis na sabi nya at saka naunang naglakad. "Ayos ka lang ba Rei?" "Yeah. Sino nga pala ang bisita kuya?" Tanong ko naman. "Sila Ron at Kel" si Miko ang sumagot kaya nag nod ako at inakbayan nya naman ako "Ano ba iniisip mo?" Bulong na tanong nya sakin nasa harapan kasi namin si kuya Lance at Karen habang naglalakad kami papunta sa sala. "Sasabihin ko na lang kapag may proof na ako" sagot ko saka ngumiti. "Tungkol ba to doon sa picture?" Hindi ko sinagot ang tanong nya "Silence means yes" nag nod naman ako. Nang makarating kami sa sala nakita namin si Ron at Kel pero wala si Marcel siguro iniwan muna nila sa school sabagay babalik din naman sila daw agad eh. "Good thing nandito na kayo" sabi ni Ron. "Importante ata yan ah" sabi naman ni Miko at naupo kami. "Super" sagot naman ni Ron. "Go" sabi ko at nag nod naman sila. "Alam nyo na kung tungkol saan to." sabi ni Ron at napatayo naman ako pati na rin sila kuya kaya nagtaka si Ron at Kel. Sinarado namin ang pinto at bintana binaba din ang mga makakapal na kurtina. Binuksan ang ilaw dahil madilim at saka finull pack ang aircon para di kami mainitan ng sure na kami na wala nang makakarinig sa amin ay pinapalit namin ng damit ang dalawa pati yung pantalon nila dahil kailangan mahirap na. Nang makapagpalit sila may nakita kaming maliit na chip sa damit nila at saka namin yun sinira nilayo din namin ang damin. "Nagsalita na ba kayo tungkol dito?" Tanong ni Miko at umiling naman sila. "Kanino galing tong damit na to?" Tanong naman ni Karen. "May nagbigay nyan kay Marcel na babae galing sa botique nyo kaya naman tinggap namin to akala kasi namin kayo nagbigay." Sagot naman ni Kel. "Looks like gusto talaga nilang malaman ang tungkol sa atin ah" nakangisi kong sabi "Too bad were too smart to handle" "Taas sariling bangko Rei?" "Whatever kuya Lance. Anyway go start na." "Dahil kasi to sa curiousity ni Kel" sabi ni Ron at napatingin kami kay Kel "Sige na kwento mo na" "Naglalakad lakad kasi ako nun sa Lumina Academy tapos may nakita akong dalawang transfer student at dumeretso na ko ng mapadaan ako sa office ng head ng Lumina Academy at nakita ko na nag uusap sila ng secretary nya sabi nya na kapag nalaman daw ng head nila na buhay ka pa at napatunayan na ikaw talaga ang isa sa tagapagmana ng mga Aofuka papatayin ka nila. They said that the head is ruthless" sabi ni Kel habang kinakabahan "Hindi na namin sinama si Marcel dahil ayaw naming madamay sya dito at di rin sya pwedeng madamay" "Hindi namin alam ganito ka pala kabigatin Rei" pagpapatawa ni Ron para mawala ng konti ang tensyon na nararamdaman namin. "Okay lang ba kayo dito?" Tanong ko sa kanila "Madadamay kayong dalawa at pwedeng ikapahamak nyo to" dagdag ko pa. "Oo nga. Wag nyo na lang kaya ituloy ang pag tulong samin baka maiwan mag isa si Marcel" segunda naman ni Karen. Ngumiti silang dalawa sa amin at nagkatinginan naman kami nila kuya Lance ako at ni Miko pati na rin si Karen saka kami napabuntong hininga. "May pabor lang kami" sabi ni Kel at mas lalong sumeryoso ang mukha nilang dalawa ni Ron. "Kung sakali mang may mangyayaring masama sa akin o sa aming dalawa ni Kel basta kahit sino sa amin sana kayo na ang bahala kay Marcel" dagdag nya pa. "Gusto lang namin syang maging ligtas at alam ko na kaya nyo naman syang ilagay sa ligtas na lugar" sabi pa ni Ron. They seems like they are ready to die, they will offer their lives just to help me to find the murderer of my family. "Hindi lang naman si Marcel ang pwede naming protektahan" sabi ni Miko at napatingin naman kami sa kanya "Yan ang nasa isip ni Rei ngayon" sinamaan ko naman sya ng tingin, nagbabasa ba to ng isip ko? Specialty nya pa naman yan. "Knowing Rei I know na yan nga iniisip nya. Dont worry guys poprotektahan ko rin kayo" masayang sabi ni Karen. "Babae pa talaga poprotekta samin?" "Bakit Kel pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko?" "Hindi po Princess Karen" sabi naman ni Kel at natawa kami. "Princess Karen?" Tanong ni kuya Lance. Uh-oh. Nagkatinginan kami at saka nagbuntong hininga si Karen. "Princess Karen tawag sakin ng mga kaibigan ko mula pagkabata ko, bakit? Eh Princess ang ugali ko noon eh brat" natatawang sabi ni Karen "Saka isa pa yan talaga ang gusto ko itawag sakin noon feeler eh" This time kaming lahat na ang natawa at nawala naman kahit papaano ang tensyon na nararamdaman namin. "Oh sya sige na uuwi na kami baka mamaya umuwi na rin si Marcel" sabi naman ni Kel at nag nod kami. "Hindi sila pwedeng makita na dito galing kaya ako na lang maghahatid sa kanila sa bahay nila." Suggest naman ni Kuya Lance. "Tama si kuya kaya wag na kayo tumutol. Ibang kotse nga pala gamitin mo ang di lagi nakikita ng lahat" sabi naman ni Miko at nag nod naman silang dalawa. Tahimik kaming tatlo na nasa sala at di pa rin namin binubuksan ang mga kurtina kahit na five na ng hapon at maganda na tingnan ang tanawin sa labas. "This gonna be a b****y search" pagsisira ni Karen sa katahimikan namin. "And to the point that they want to Rei? This gonna be not easy" dagdag pa ni Miko. "Even from the start I know that this would happen" sabi ko at naramdaman kong tumingin sila pero di ako tumingin sa kanila. "Pwede kasi tayong makahanap ng mga information na pwede nilang ikabagsak, information na tjnatago nila kaya siguro gusto nila na patayin ako" "Hindi pa rin sapat ang dahilan na yan" sabi ni Miko na naiinis. "It is. May hinala sila na ako nga si Amaya Rei Aofuka, na ako ang nawawalang soon to be Speaker of the House, na ako ang ikababagsak nila. They know na ako ang pinaka pinagkakatiwalaan ni lola when it comes to secret kaya alam ko ang iilan sa kanila even the documents" paliwanag kong sabi sa kanila at nanlaki naman ang mga mata nila. "Why you didn't tell us?!" Galit na sigaw ni Karen at ngumitu naman ako. "Because I know that I can handle it thats why I didnt tell any single information to the both of you." Sabi ko sa kanila at bumuntong hininga naman sila. "Tell us. Sabihin mo sakin kung ano ang mga nalalaman mo, kung sino mga taong yun at ang mga gjnagawa nila" malumanay pero alam kong galit tong si Miko base lang sa tono ng pagsasalita nya. "This isnt the right time yet Mik, I'm sorry" "WHAT THE f**k" sabay nilang sabi ni Karen. Umalis ako sa sala at di ko na sila pinansin kahit na tinatawag nila ako. Ayokong madamay sila kahit alam kong damay na sila dito sa g**o ko, ayoko lang na may malaman sila na ikakapalit ng buhay nila. Every information I carry is equevalent of life. I must take the responsibility since I am the Speaker of the House soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD