Tagis-bagang nakatingin si Renzo sa lalakeng nagdikit ng papel sa puwet ni Renzo. Nakita rin niya kung paano nitong sinenyasan ang dating kasintahan. Bago dumating si Darren sa coffee shop na iyon ay nauna na siya doon. Nakita niya itong pumasok. Hindi siya nito napansin dahil mukhang malalim ang iniisip nito. Mukha itong miserable. Nangingitim ang gild ng mata nito na tila wala pang tulog at galing sa magdamag na pag-iyak. Hindi niy mapigilan makaramdam ng awa kay Darren. Nalaman na niya ang lahat ng nangyari dito. Nakita niya ang video. Noong una ay parang nilamukos ang puso niya sa selos. Nasaktan siya. Hindi niya matanggap na pinalitan siya kaagad nito. Hindi niya alam kung paano niya nagawang patapusin ang video na iyon. At may napapansin siyang kakaiba kay Darren. Tinuon ng na