Hindi pa masasabi ni Darren na naghilom na ang sugat niya sa puso. Pero sinisikap niya na bumalik sa normal ang kanyang buhay. Bumalik na siya sa masigasig na pag-aalaga ng mga mental patient. Binubuhos niya sa kanyang pag-aaral at OJT ang kanyang atensyon. At isa pa, natuto na siyang makipagkaibigan. Although, hindi naman niya sinasabi ang problema niya sa mga ito. Ngunit nakakatulong ang mga ito para maaliw siya at malimutan niya panandalian ang problema. Birthday ng isa sa mga kaklase niyang si Zoe. Tinanggap niya ang paanyaya nitong sa party nitong gaganapin sa private resort ng pamilya nito. Masisilbing na rin daw bilang farewell party iyon ng mga kaklase nila. Pumayag siya dahil naisip niya na iyon na lang din naman ang huling bonding nilang lahat. Pumipili siya ngayon ng pwedeng i