"Ano po ang alam?" Bungad ni Darren sa ina niyang si Delia na nagluluto sa kusina. "Sinigang? My fovorite!" "Niluto ko talaga ito para sa iyo dahil ilang araw ka na namin napapansin ng Tatay mo na walang ganang kumain." Tama ang kanyang ina. Sa ilang araw na nagdaan kasi ay halos hindi siya makalunok ng pagkain. Nawalan siya ng gana. Parang sasabog kasi ang puso at utak niya dahil sa problema. Una, dahil gusto niyang makita si Renzo ngunit wala siyang magawa kundi tumingin na lang sa mga larawan nitong nagkalat sa internet. Pangalawa, malapit na ang Finals. Hindi rin maganda ang performance niya sa pag-O-OJT niya. Pangatlo, hindi pa rin siya pinapansin ni Anne. sinusubukan niya itong lapitan at kausapin pero iniiwasan lang siya nito. Sa kabilang banda sa tingin niya ay mabuti na rin iyo