GRADUATON DAY Naluluha si Darren habang tinatanggap ang kanyang diploma. Wala siyang nakuhang award ngunit ang makasampa lang sa stage na iyon ay malaking bagay na sa kanya. Akala niya kasi ay hindi na siya makakaraos dahil nga sa mga nangyari. Tumingin siya sa paligid partikular kung saan nakapwesto ang mga mahal niya sa buhay. Naroon ang kanyang maagulang na naluluha rin saa pagiging proud sa kanya. Nandoon rin si Jake na kinansela pa ang trip to Thailand kasam ang boyfriend para makadalo sa araw na iyon. Si Anne nagmistulang photographer niya - hindi magkamayaw sa pagkuha ng picture niya. Nandoon rin ang kanyang kasintahan na kandong ang anak. Alam niyang masaya ito para sa achivement niya. Napagtagumpayan niya ang napakalaking pagsubok sa buhay niya. Sa huli ay tuluyan ng nalaglag a