Riah's POV Tulad ng sabi ko, hindi ko alam ang sasabihing vows para kay Gunner. Hindi ko rin naman pwedeng isagot sa kanya na mahal ko rin sya dahil kung ang sarili ko nga ay hindi pa maintindihan ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Siguro, nasa stage palang ako na parang teenager na may crush sa kanya? "Ms.Azariah Cadiente, do you take this man to be your lawfully wedded husband? Will you be to him a faithful, loving, and devoted wife? Will you honor, obey and love him, and remain with him in sickness and in health, in prosperity and adversity; and, forsaking all others, keep yourself only unto him, so long as you both shall live?" Napalunok ako at napatitig kay Gunner na mataman lamang akong tinititigan din. Huminga ako ng malalim at pumikit. Kinapa ko ang sarili ko kung may p