Chapter 5

1543 Words
Riah's POV Suot ko ang isang baby pink dress na umabot hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba. Isang white flat shoes at naka-light make up lang din ako. Naka-ayos din ang buhok ko into messy buns. Lumakad ako papunta sa malaking salamin at napanganga ako sa nakita. Para akong isang prinsesa sa ayos ko ngayon. Napa-ngiti ako at umikot-ikot sa harap ng salamin. Ngayong araw kami haharap sa mag-iinterview sa amin ni Gunner about sa private wedding namin na gaganapin mamayang gabi na. Ilalabas lang namin sa media na ikakasal na kami at ang ibang detalye ay hindi na at yun ang ipinagtataka ko kay Gunner. Napahinto ako sa pag-ikot nang mahagip ko sa Gunner mula sa salamin na nakatayo na sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Mariing nakatitig sakin na ikina-pula ko. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanya at ngumiti ako ng maliit sa kanya kahit naiilang ako sa klase ng paninitig niya sakin. "Bagay ba?" Nahihiya kong tanong. Hinagod niya ang kabuuan ko bago sinalubong muli ang mga mata ko. "You're pretty, Riah. Let's go." Napangiti ako ng malawak sa kanya bago ko kunin ang braso niyang nakaabang sakin. Sabay kaming bumaba at lumabas ng mansyon at sumakay sa isang limousine na naghihintay na samin. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Dahil habang papalapit kami sa pupuntahan namin ay padagdag ng padagdag ang kaba ko. Hindi ako sanay sa maraming tao lalo ngayon at puro reporter ang makakaharap namin. Hindi ko alam na isa pala ang pamilya nila Gunner na kilala sa buong bansa maski sa labas pa kaya halos malula ako nang sabihin niyang buong mundo ang makakapanuod ng ia-announce namin ngayon. Nanlalamig ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Gunner na sumakop dito. Napatingin ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay ngumiti ang isang Gunner Mondego sakin. Ngiting may seguridad. Bahagyang napalis ang kaba ko nang makita ko ang ngiti niya. "I'm here." Dalawang salita lang pero ang lakas tama sa dibdib ko. s**t. Nahuhulog na ba ako? Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang sagot at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Huminga ako ng malalim bago sumulyap sa labas ng bintana. Naglalakihang mga puno ang nadaraanan namin at napakalawak at napakalinis ng paligid na mamamangha ang kahit sino man. Ito ay pagmamay-ari ng pamilya Mondego sa pagkakaalam ko. Sobrang nakakalula ang yaman ng pamilya nila kaya sobrang nahihiya ako dahil baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao sakin. Sa panahon natin ngayon, pag ang napangasawa mo ay isang mayaman, matatawag at matatawag ka na gold digger. Sa kaso namin ni Gunner, hindi kami magpapa-kasal dahil mahal namin ang isa't isa. Hindi ko rin alam ang plano at kung ano ang dahilan ni Gunner para pakasalan nya ang isang tulad ko. Sumasabay lamang ako sa agos at tumatanaw lamang din ako ng utang na loob lalo na sa ginawa niya para sa Mama ko. Magarbo ang bawat sulok ng hotel nina Gunner. Kahit gusto kong mamangha ay pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang oras para doon. Tanaw ko narin ang mga nagkalat na reporter sa paligid at tila inaabangan talaga ang pagdating namin. Huminto ang sinasakyan namin sa mismong tapat ng red carpet kung saan kami lalakad papasok ng hotel. At sa magkabilang side ng re carpet ay ang mga nagkaka-gulong reporter. Nilukob ng kaba ang dibdib ko nang makita kong pababa na ng sasakyan si Gunner. Mabilis siyang umikot sa side ko at pinag-buksan ako ng pintuan. Inilahad niya ang palad niya sakin at kinuha ko naman iyon. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at mabilis hinapit padikit sa katawan niya. Halos mapapikit ako sa dami ng flash na nanggagaling sa mga camerang nakatutok samin. Ilang na ilang ako sa dami ng taong nakapaligid samin. "Chin up and greet them with your great smile, Azariah." Bulong sakin ni Gunner. Napahinga ako ng malalim bago malawak na ngumiti sa lahat. Kahit nananakit na ang mga mata ko sa flash ng camera ay tiniis ko para lamang kay Gunner na seryoso lamang ang mukha. E, bakit siya seryoso? Ako pinangingiti niya? Lihim akong napairap sa kanya. At mas tinuon ang pansin sa mga taong nasa paligid namin. Lalo na at sumugod na ang mga reporter at binato na kami ng sunod-sunod na mga tanong. "Mr.Mondego, totoo po bang ikakasal ka na?" "Yes." Malamig na sagot ni Gunner. "Hi. Miss?" "Cadiente." Nakangiti kong sagot. "Miss Cadiente, matagal na po ba ang relasyon ninyo kay Mr.Mondego?" Hindi ko alam ang isasagot kaya ngumiti lamang ako. Sagot pang-showbiz 'ika nga. "Mr.Mondego, ayon sa nakalap naming balita ay.. may karelasyon ka noong nagngangalang Rosaly Martinez?" "Rosaly and I, we are just friends." Diretsong sagot ni Gunner na ikina-tango ng reporter. Maraming pang mga tanong ang sinagot namin na maingat namin namang nasagot. Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako sa pagpapa-interview at ang alam ko ay live na na-air iyon sa buong Pilipinas at sa labas ng bansa. Tinanong ko na si Gunner kung bakit kailangan naming ipaalam sa lahat na ikakasal na kami gayong private naman ang gagawin naming kasalan. Nakakaloka. Sa hotel nina Gunner na kami nag-bihis at nag-ayos para sa kasal namin na gaganapin na ngayong gabi. Hindi ko na maalala kung paano kami nakaalis sa dagat ng tao kanina basta ang alam ko, humihinga pa ako ngayon. Kahit hindi ito kasal na may pagmamahal ay hinihiling ko parin na sana nandito ngayon si Mama para masaksihan ang araw ko na'to. Ang araw na kahit sinong babae ay pina-pangarap. Kumain muna ako at pinaliguan. Lumabas ako ng cr na naka-roba lamang na sinalubong ko ng mga mag-aayos sakin. Inumpisahan nila akong lagyan ng make up. At sa buhok ko ay itinaas nila iyon at may iniwan na konting buhok sa magkabilang side. Nilagyan din nila ako ng maliit na korona na ikina-ngiti ko. "Wow! Ang ganda ganda mo talaga ma'am!" Tuwang-tuwang puri ng isa na ikinapula ng mukha ko. "Oo nga. Kaya hindi kataka-takang inlove na inlove sayo si Sir Gunner." Dagdag pa ng isa habang kinikilig. "Inlove?" Wala sa sarili kong nasambit. "Opo ma'am. Inlove! Pakakasalan ka na nga si Sir Gunner e. At wag ka ma'am! Isang Mondego pa yon! Full package ang mabingwit mo po. Ang swerte mo po!" Swerte nga ba ako? Isinuot ko na ang wedding dress ko na ikina-nganga ko. Ang sabi ng mga madadaldal na taga-ayos ko kanina ay napaka-mahal daw ng wedding dress na ito, inaabot ng milyon. Lalo na at may mga diamond pa sa bandang dibdib. Tube ang style niya at bagsak ang napaka-lambot na tela niya na sobrang haba. Iniladlad sa likuran ko ang buntot ng wedding dress ko na napakagandang tingnan. Inabot sakin ang isang bulaklak na pabilog na maayos ang pagkakaayos. Kulay pula iyon na ang sarap pagmasdan. Inalalayan nila akong makalabas ng silid. Sila daw ang maghahatid sakin sa isang private resort kung saan gaganapin ang kasal namin. Tatlong babae ang nakaalalay sa likod ko habang bitbit nila ang buntot ng wedding gown ko. Habang ang isa ay nasa tabi ko para alalayan akong bumaba sa hagdanan na matarik. Mabuti na lamang at pa-wedge ang suot kong heels kung hindi ay baka gumulong na ako kanina pa. Si Gunner ay nasa resort na daw kasama ang buong pamilya at mga kamag-anakan na ikina-kaba ko dahil ang Mama palang niya ang nami-meet ko. Ang iba ay hindi pa. Naglalaro na naman sa isipan ko ang magiging reaksyon ng mga tao sakin lalo na at wala akong kayang ipagmalaki. Hindi tulad ni Gunner na mukhang marami nang nagawang achievement sa buhay. Tatlong kalalakihan ang naghihintay sakin sa labas ng hotel. Napaalis narin nila ang mga reporter na pwedeng dumumog sakin oras na malaman nila na ngayon na mismo ang kasal namin ni Gunner. "Welcome to the family." Niyakap ako isa-isa ng tatlong Mondego. Akala ko nung una ay ayaw nila sakin, nagkamali pala ako. Sadyang mailap lang sila sa mga tao lalo na at bagong kilala ka lang nila. "Maraming salamat sainyo." Nakangiti kong sabi sa kanila na sinagot lang nila ng tango. Pinagbuksan nila ako ng pintuan ng magarang sasakyan at inalalayang pumasok. "Kami ang driver at bodyguard mo ngayon." Nakangising wika ni Joaquin at pumasok na sa driver seat na ikina-nganga ko. "Ihahatid ka namin mahal na Prinsesa sa iyong naghihintay na mahal na Prinsipe." Nakangising sambit ni Vernon na nakaupo na sa shotgun seat habang nakalingon sakin. Kinindatan pa niya ako bago umayos ng upo. "Let's go." Wika ni Gustavo nang makaupo na sa tabi ko. "W-wait! Hindi ba kayo nasasapian?" Naguguluhan kong tanong sa kanila. At nasaan si Deangelo?" "Unfortunately, hindi kami sinasapian. Ito talaga kami." Tumatawang sagot ni Joaquin habang pinapaandar na ang sinasakyan namin palabas ng hotel. "At si Deangelo, nasa resort na kayakap ang wheel chair niya." Nagtawanan silang tatlo na akala mong sanay na silang nakikitang ganun ang kalagayan ni Deangelo. "Mrs.Mondego, soon, you will know what we are and who we are. For now, just enjoy this ride with us. Because later, after your wedding, Gunner will ride you nonstop." Sabay-sabay silang bumunghalit ng tawa na ikina-pula ng mukha ko. Being with these Mondego boys is not bad after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD