Riah's POV Nagtawanan ang lahat sa sinabi ko. Mali ba ko ng hinala? "Riah, gutom lang yan. Akyat ka muna sa kwarto mo." "Pero.." Aangal pa sana ako nang tingnan ako ng seryoso ni Gunner. Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Gunner. May pupuntahan daw kami. Hindi na ako nagtanong kung saan dahil mukhang mainit ang kanyang ulo ngayon. "Let's go." Mabilis siyang lumakad palabas ng mansyon na ikina-irap ko. May maleta akong bitbit, hindi man lang ako tinulungan? Tahimik lamang ang naging biyahe namin. Makakatulog ako at magigising na nasa gitna parin kami ng biyahe. "Gunner, saan ba tayo pupunta?" "Isabela." What? Ngayon lang ako nakalabas ng Manila, at arogante talaga ako pagdating sa ibang mga lugar. "Sa Isabela ang biyahe natin. Go back to sleep, malayo pa tayo." Hindi man lang