WIN-WIN "Wag ka kasing malikot dyan, Amy! Hindi natin matatapos 'to. Tingnan mo o, halos dalawang oras na tayo dito, wala pa tayong nagagawa! Aba, baka sa isang taon pa tayo matapos dito!" natatawa ko namang pinagmamasdan yung dalawa. Punung-puno na kasi ng flour yung buong mukha nila. Papa'no kasi, kanina pa ginugulo ni Amy si Sidney. "Ganito nga kasi yan!" proud na sabi pa ni Amy sabay lagay ng isang cup atang OMG, baking powder. Teka, gaano karami bang cupcakes yung gagawin nila? "Anak ng tinapa, Amy! Hindi ganyang karami! Anong palagay mo dyan sa baking powder, flour? Ang sakit mo sa bangs. Lumayo-layo ka sa akin at baka hindi kita matantya, lamang-loob mo yung ilagay kong flavor nito!" inis na inis na sabi pa ni Sidney sa naka-pout na si Amy. "Wag kang magpout dyan, wag mo akong ar