K "The end. O diba, maganda yung pagkakasulat ko?" proud na proud na pagkakasabi ko sa mga kasama ko. "Bakit bitin? So, anong nangyari kay Katrina after that? Kay Jamie? Kay Joanna?" tanong naman nung isa sa kanila. "Duh! Kelan ka ba nakakita ng horror-slasher-thriller na tapos na tapos? Diba laging bitin yon? Open ending lagi. Yung ikaw na yung mag-iisip or pwedeng may sequel." paliwanag ko naman. Mga hindi yata nanonood 'to ng mga ganitong pelikula. Kawalang ganang kausap. "And sino si Katrina?" tanong pa nung isa. "Ako na lang. Gusto kong maging killer." "So ikaw yung bida?" "No. Killer nga diba? Papa'no naging bida yung killer? Si Joanna at Jamie yung bida. And kung papipiliin ako, si Aerin yung gusto kong maging Jamie, at si Olivia yung Joanna." nakangiting sabi ko naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books