WIN-WIN "Ngayon, sabihin nyo sa akin kung wala talagang pumapatay sa atin isa-isa, at puro aksidente lang 'to! Ano, sabihin nyo! Nang sa ganon, sumunod tayong lahat kay Andrea! Sige na, magaling kayo diba? Hindi kayo marunong makinig sa amin!" gustuhin ko mang awatin si Amy, tama naman kasi yung sinabi nya. Iniisa-isa talaga kaming lahat dito. At hindi na ako magtataka kung bukas-makalawa, iilan na lang kaming buhay dito. Kasalukuyan kaming nandito sa salas ngayon. Kakatapos lang ilipat nila Ysabelle yung bangkay ni Andrea sa kung nasaan sila Aurora at Lily. At kanina, kung hindi lang ako hinawakan ni Sidney, malamang, naghisterikal na naman ako lalo na nung nakita ko yung nagkalat na dugo ni Andrea sa loob ng restroom. "Dahil alam kong tama si Andrea. Na kahit magsama-sama tayo, wala d