WIN-WIN "Dito ka lang." agad ko namang sinamaan ng tingin si Ysabelle. Wala syang karapatan na pigilan ako. Kailangan kong mapuntahan yung kaibigan ko sa lalong madaling panahon. Agad ko syang tinalikuran at nagmamadaling naglakad pabalik sa kung nasaan sila Sidney at Amy. At tulad ng ginawa nya kanina, humarang na naman sya sa harap ko kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin. "Hindi ka ba talaga marunong makinig? Diba sabi ko sa'yo, dito ka lang? Hindi ka ligtas don. Baka kung ano pa yung mangyari sa'yo." alam kong nag-aalala sya sa akin pero may iba akong nababasa sa mga mata nya kaya tiningnan ko sya ng derecho. "Anong problema mo?" seryosong tanong ko sa kanya. "Ano ba talagang gusto mo?" Malungkot syang ngumiti at umiling-iling. "Kahit naman siguro sabihin ko kung ano yung gus