Chapter 36: Seducing "KUMUSTA naman ang shooting n'yo? Hindi ka ba nahirapan?" nakangiting tanong ni Joaquin kaya ngumiti naman nang pilit si Eurydice. "Ayos lang naman. Hindi naman ako masyado nagpagod. Ikaw? Kumusta naman kayo ni Elisa?" balik na tanong ni Eurydice. Hindi naman nakaimik si Joaquin. Bago kasi siya makipagkita kay Eurydice sa restaurant ay tumakas pa siya kay Elisa dahil mukhang may hinala na ito na nagkikita sila ni Eurydice. Di na rin kasi mabilang kung ilang araw na ang nakakalipas matapos umamin ni Eurydice kay Joaquin na may gusto ito sa lalaki at gusto na gawin ni Eurydice na opisyal ang relasyon nila. At dahil natatakot si Joaquin na mabuko ni Elisa ay pinigilan niya si Eurydice na huwag banggitin kay Elisa ang tungkol sa kanilang relasyon. Mabuti na lang a