Chapter 24: Hatred PAGKAHUBAD ni Eurydice sa robe na suot niya ay agad na napanganga ang mga staff sa studio kung nasaan sila ngayon. Ngayong araw kasi ay nasa studio sila Eurydice kung saan sila magpo-photoshoot sa magazine kung saan sila magiging cover sa men's magazine. "Eurydice hindi ka lang pala maganda, sexy ka rin gaya ng ine-expect ko!" nakangising sabi ng photographer. Napangiti naman si Eurydice sa sinabi ng photographer. Suot-suot kasi niya ang Versatile Ruched sliding triangle string bikini two piece swimsuit na kulay pink na bumagay sa kulay puting balat ni Eurydice. At habang pinupuri si Eurydice ay masama naman ang mga tingin ang pinukol ni Elisa kay Eurydice dahil sa narinig nitong pinupuri ng mga staff si Eurydice. Kaya naman lumapit din si Elisa sa photoshoot area