HINDI ko pinagdudahan kahit kailan ang mga kayang gawin ni Sir Ali. Nang sabihin niyang patutunayan niyang masarap din siyang magluto, alam ko na hindi siya nagyayabang lang. Pero sa lahat ba ng bagay ay talagang mahusay siya? Naalala ko ang kwento ni Vince na mahirap daw talunin si The Great Alistaire. Iniisip ko tuloy ngayon kung ano ba ang kahinaan niya. Isang halik ang gumambala sa pag-iisip ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ulit si Sir Ali. “Sinong iniisip mo?” Natigilan ako sandali. “W-wala.” Tumikwas ang isang sulok ng mga labi niya. “I hope it’s not someone from your school.” “H-ha?” Hindi na siya nagsalita. Bumalik siya sa kitchen table. Nakita ko na pinigaan niya ng lemon juice ang niluto niya. Pagkatapos noon ay dinala na niya ang isang mangkok ng roast