(Ysolde) IBINAGSAK ko ang katawan ko sa swivel chair at saka matalim na tiningnan si Jowell. Inihatid niya kanina si Alistaire paglabas. Kapapasok lang ulit niya sa library. Nakatingin siya ngayon sa akin at nagtataas ng mga kilay. “Now, start explaining to me what you did.” “Wala akong ipapaliwanag, Jowell. Ikaw ang tatanungin ko. Bakit ang taong ‘yon ang kinuha mong gagawa ng opisina natin?” “Ini-refer siya sa akin ng kakilala ko. Gino said that he is one of the best architects based in Manila. Pasalamat nga tayo na pinatulan niya ang small-time project na ‘to.” “Cancel the contract. Sa iba ka na lang magpagawa.” Lumapit siya sa mesa ko, nandidilat ang mga mata. “Ysolde, sira ulo ka ba? Hindi pwede I-cancel basta ang kontrata. At bakit ba tutol ka kay Architect Aguilar?” Hindi