“PA, I want you to meet my sons. Ito si Alonzo ang aming panganay. At si Alfonso naman ang aming bunso,” wika ni Alistaire. Buhat niya si Alonzo habang buhat ko naman si Alfonso. Kabado pa rin ako sa harapan ng tatay ni Alistaire kaya halos hindi ako makatingin dito nang direcho. “They look exactly like you, son!” sambit ni Don Benedicto, manghang-mangha siya habang pinagmamasdan ang aming kambal. Si Nanay na nasa gilid ni Don Benedicto ay nakangiti at halatang masaya sa nagaganap. “Ang gugwapong mga bata! Mga apo ko nga kayo! Hindi ba, darling?” komento pa ng matanda at bahagyang nilingon si Nanay. Kinuha nito si Alonzo kay Alistaire. Hindi palangiti ang anak kong panganay kaya nakipagtitigan lang siya sa lolo niya. Ngumiti naman si Don Benedicto. Tiningnan din niya si Alfonso at