Kinabukasan ay naging abala sa pakikipag-usap sa phone si Sir Gabriel. Nalaman namin mula sa kuya Geoffrey niya na hanggang sa ngayon ay nasa probinsiya pa rin, na kumuha sila ng maraming taga-bantay sa Shelter at pinaghigpit ang security doon. Hindi na rin muna nila hinayaang lumabas ang mga kababaihan na siyang ikinahinga ko ng maluwag kahit papaano. Ang ibig sabihin lang ay alam na talaga ng family Fairford kung sino talaga ako at ang tunay na pagkatao ng mga Lim. "Yeah, thank you so much. I owe you this one." Kaagad ko siyang nilapitan nang makita kong ibinaba na niya ang hawak niyang phone mula sa pakikipag-usap sa hindi ko alam kung sino na naman. Marami kasi siyang kausap sa buong maghapon at alam kong iba-ibang tao iyon. "Ahm, k-kumusta naman daw ang family mo doon? Hanggang