Napatingala ako sa malaki at mataas na simbahan na ito ng Sta. Fe matapos kong bumaba ng kotse at ngayon ay buhat ko ang laylayan nang napakagarbo kong gown. Sa labas ng simbahan naman ay naghihintay na ang napakarami naming bisita at kaagad nila kaming sinalubong ng malakas na palakpakan. Nakabantay din sa amin ang maraming tao nila Gab at kuya Geoffrey. Hindi ko lang akalain na pagkatapos ng lahat-lahat ng mga nangyari sa akin sa bayan na ito ay dito pa rin pala ako dadalhin ng tadhana sa simbahan na ito kung saan memorable para sa akin dahil sa dito kami palaging nagsisimba noon ng mga magulang ko. At ngayon ay dito pa rin ako ikakasal. Ngayon ay nasagot na rin ang katanungan ko kung bakit hindi kami sa simbahan ikinasal noon ni Rod kundi sa bakuran lamang ng kanilang mansion. Iyon