Dito pa lang sa labas ay gusto ko nang masuka. Paano pa kaya kung nasasaksihan na mismo ng aking mga mata? Hindi binitawan ni Rod ang kamay ko na mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak. "S-Sino 'yon?" kunwa'y tanong ko sa kanya. "Don't act like you don't know them," sagot niya kasabay nang biglang pagbabago ng anyo niya. Naging madilim ito, matalim na may kasamang pagngisi habang nakatitig sa akin. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto ng bodega kaya naman mas lalo pang lumakas ang mga ungol na naririnig ko. Kaagad niya akong hinila papasok sa loob at mabilis ding isinara ang pinto at ini-lock ito. Napabaling ako sa harapan namin nang bumungad sa amin ang mga rehas na bakal. Limang selda at bawat isa ay mayroong mga kama sa loob. Nagkalat ang mga damit sa sampayan at nakakaamoy ak