TWO WEEKS PASSED "Aw!" daing ko nang malakas akong tapikin sa braso ng kamay niyang may suot na pads. "I said, just look into my eyes. Just focus on my eyes and not on my arms!" panenermon na naman sa akin ng britanyong ito. Pagod na pagod na kaagad ako kahit wala pa namang kalahating oras kaming nagti-train sa boxing at naliligo na kaagad ako sa pawis kahit napakalamig naman ng panahon ngayon dito sa London. Inis na inis na ako sa kanya dahil sinisigaw-sigawan na naman niya ako na parang tau-tauhan niya lang! Kapag ako nakakuha ng tiyempo, yari ka sa akin. Huminto ako sandali sa harapan niya at namaywang. Suot ko sa dalawang kamay ko ngayon ang dalawang boxing gloves. Sports bra at shorts naman ang tangi kong suot sa katawan. At ang buhok ko ay nakapusod palulon sa ituktok ng ulo ko