Gaya ng ipinangako ni Jether, bumalik ito sa sumunod na araw. Cake naman ang dinala nitong regalo para sa kanya. Nang pumasok ang lalaki sa kanyang opisina, kaagad na nakasimangot si Chad. Hindi naman sa ayaw niyang makitang muli ang lalaki, mas gusto lang niyang hindi na sila magkita upang hindi na ma-confuse ang kanyang puso. Lately kasi ay parang gusto na niyang umatras sa kanilang kasal ni Audrey. Napatiimbagang siya nang ngumiti si Jether sa kanya kasi muntikan na namang lumukso ang kanyang puso sa tuwa. Sa paglipas kasi ng panahon ay hindi man lang nabawasan ang kagwapohan ni Jether. Bagkus, mas lalo lang itong gumandang lalaki. “Wala ka bang trabaho?” tinanong ni Chad ang lalaki kasi gusto niyang umalis na kaagad ito. “Kung tatanggapin mo ako a